Chapter Twenty

1.2K 95 14
                                                  

Chapter Twenty

"Mama..."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sinasaktan ko siya. Pakiramdam ko ay masasaktan ko siya pero kasi...

"What's wrong?" lumapit siya sa akin.

Ang mga kasama namin sa bahay ay nakatingin rin sa aming direksiyon.

"Iwan niyo muna kami..." utos ni Mama na agad naman nilang sinunod.

Dinala ako ni Mama sa may dining table at inupo. Kumuha siya ng isang baso ng tubig at agad niya iyong ibinigay sa akin. Habang ginagawa niya iyon ay iyak lang ako ng iyak.

"Bakit? May masakit ba sa'yo?" tanong niya. "Nilalagnat ka ba? Ano bang problema, anak?"

Umiling ako bago humawak sa kamay niya. Nakikita ko kung paano siyang nagaalala sa akin. 

"Mama... mahal ko po si Alexandro." natigilan siya sa sinabi ko pero hindi siya nagkumento. Bigla akong natakot kasi baka mawalan na naman siya ng malay. Natatakot akong mawala si Mama dahil lang mahal ko si Alexandro. Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag nangyari iyon kaya kahit papaano ay hindi ko siya binibigla.

"Bakit ka umiiyak kung ganoon?" tanong niya ng makabawi siya.

"Ayaw kitang saktan, Ma. Hindi ko po alam noong una kaya nahulog po ako, Mama..." she cupped my face and wiped away my tears. 

Nakita kong naiiyak na siya habang nakatingin sa akin pero matamis siyang ngumiti sa akin.

"Anak, hindi kita binabawalang mahalin si Alexandro. Siguro noong una natakot ako sa pepwedeng mangyari. Natakot akong masaktan ka at ayaw kong maramdaman mo iyong sakit na naramdaman ko noon dahil halos ayaw ko ng mabuhay.  I was so thankful that I have your father back then. Hindi ko kakayanin kung wala siya at ayaw kong maramdaman mo iyon. Ayaw kong masaktan ka. Altamirano siya. The Don believed that fixing their family's marriage will continue their legacy and he's not very fond of me because I came from nothing. I am nothing..."

Iyak ako ng iyak habang si Mama ay pinupunasan ang mga luha ko. Ngumingiti siya sa akin pero ramdam ko iyong sakit. Alam kong pinipigilan niya lang dahil narito ako.

Gusto kong tumigil siya pero hindi ko magawang pigilan siya dahil gustong gusto ko na ring malaman mula sa kaniya kung anong nangyari.

"Alejandro was my first love. Nakilala ko siya noong nag-aaral pa ako. He pursued me even though his father doesn't like me. Inuwi niya ako dito sa probinsiya... sa Mansion ng mga Altamirano. Araw araw kong nararamdaman ang kaniyang disgusto pero ipinaglaban ko iyon dahil mahal ko si Alejandro. I endured everything I loved him but it's not enough. It will never be enough and I was afraid that you will never be enough for them. You are my precious little girl."

"Mama..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Pwede kong sabihin na pumili ka nalang ng iba. Bata ka pa at makakahanap ka pa ng taong mamahalin ka pero hindi ganoon,  anak. Kung si Alexandro ang magpapasaya sa'yo, magiging masaya ako para sa'yo. What we had before is history. Takot lang ang meron ako pero ang pagkakaiba natin, the Don loves you because you are your father's daughter."

"Bakit ka umiiyak?" nagulat kami ni Mama ng biglang dumating si Daddy.

Agad na kumunot ang noo niya ng makita kaming nangiiyakan ni Mama.  Nilingon ni Daddy si Mama.

Wrapped (Los Hacienderos #1)Where stories live. Discover now