Prologue

38 4 1
                                    

'Where are you?'

Nagsusuklay ako ng buhok nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Nagaalinlangan akong tignan yun. Natatakot. Kinakabahan.

Tama pa ba itong ginagawa ko? Will i really get out of my way and my comfort zone just to be with the guy i loved since grade school?

Lagi na lang. Pag bored siya, magmemessage siya sa akin o magiiwan ng text nagtatanong nasaan ako at kung libre ako. Pero pag pinagbigyan ko siya at nakipagkita, may mangyari man o wala (pero lagi namang meron) matagal tagal muli bago ako makarinig ng kahit ano mula sa kanya.

Nung unang beses akala ko na 'ghost' na ako dahil hindi siya nagparamdam. 3 days later before i even heard from him saying 'hi! How are you? Been busy these days. Wanna hang out? Are you free?'


Damn! Ako naman si tanga oo agad.


What can i do? Sobrang gusto ko na itong lalaking ito grade school pa lang. Magkaiba man kami ng school pero nakakagawa ako ng paraan para makita siya. Pero nang malaman ko na nagka girlfriend na siya, tinigil ko lahat.

At dahil lang sa isang dating app, nagkakilala at naging close kami. And now we're here!

Nagvibrate ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko na ito.

'You free tonight? Wanna hangout? Badly wanna see you'

That's my cue. Iyon lang lagi ang senyales na hinihintay ng puso ko para pumayag at kitain siya. Ang bilis kong matunaw pag sinasabi niya sa akin yun. Kahit ano namang sabihin niyang maganda sa akin, natutunaw ako.

Madami na akong nagawang pagkakamali sa buhay ko. Pero tama din ba ito? Magiging pagkakamali ba ito?

Sa huli hindi din ako nakatiis. Nanginginig at namamawis ang mga kamay at katawan ko sa kaba kahit kakaligo ko lang. Dahan dahan akong nagtipa ng mensahe para mag reply kay Callix. Parson Callix Abueva ang napaka gwapo, napaka maasahan na kaibigan, pero matinik na playboy.

'Sure. Where will i meet you?'

Isang gabi nanaman na parang fairtytale sa akin pero laro lang para sa kanya. Hindi ko lubos maisip na binibigay ko ang buong sarili ko sa lalaking to. Hindi ako ganun noon pero sa kanya? Todo todo. Alam kong maaaring ikasira ko ito, pero alam kong nasira lang din siya. Baka sakali. Baka sakali.

Nag ayos lang ako at nagbihis saka nagiwan ng note kay Mommy na aalis ako. Panigurado maaga akong makakauwi, as in umaga ako uuwi kaya panigurado mapupunit ko lang din mamaya ang note na yan.

Tinignan ko ang cellphone ko na may mensahe ni Callix.

'Meet me at the bar. I'm with a few friends. See you.'

Napabuntong hininga ako at naglakad palayo. Mag grab na lang ako para mabilis akong makakapunta dun.

Kinakabahan pa din ako at kinikilig lalo pa at alam kong siya ang kikitain ko.


I'm Carlise Andrea Bravado,

And this is my story.


















Author's Notes :

This book is inspired from EXID's - Every night song. The updates can be pretty slow dahil mas nagfofocus ako sa MM but hope you enjoy reading ❤️😘

Every NightWhere stories live. Discover now