Prologue

90.3K 2.3K 2.4K
                                    

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pintuan. Napapikit tuloy ako at sumandal sa swivel chair habang pinapakalma ang sarili. May problema na ata talaga ako sa puso at nagiging magugulatin na ako nang sobra.

"Ma'am Madrigal, hinahanap na po kayo sa labas. Parating na po ang bagong CEO." Wika ni Beatrice, a junior architect.

"Yes, thank you. Palabas na ako." Tumatangong sagot ko.

Sumara ang pintuan at muli akong huminga nang malalim bago ko chineck ang sarili sa salamin. Nag-ayos ako nang kaonti saka ako tuluyang lumabas.

Habang nasa hallway ay panay ang bati sa akin ng mga employees. Ngiti lang naman ang isinasagot ko sa kanila.

Dumiretso ako sa pinakaunahan. Sasalubungin kasi namin ngayon ang bagong CEO na galing US.

"Good morning, Ven."

Napatingin ako sa gilid ko at sumalubong sa akin ang ngiting-ngiting si Greg.

"Good morning, Sir." Sagot ko at nagpilit ng ngiti. He's the COO.

"May kasabay ka na mag-lunch later?" Tanong niya pa. Umiling naman ako.

"Hindi po ako magla-lunch later. Kailangan ko pong tapusin ang design for our new major project." Sagot ko habang diretsong nakatingin sa katapat kong pader.

"Nanaman? Parang halos araw-araw kang hindi nagla-lunch ah. Baka magka-ulcer ka na niyan." Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Hindi naman ako manhid para hindi mapansin that he's trying to get my attention simula ng magtrabaho ako rito. He's good looking and a really nice guy pero sadyang gusto ko lang talagang mag-focus sa trabaho at wala akong panahon sa ibang bagay kaya panay ang iwas ko sa kanya.

"Okay lang po ako, Sir. Nagbabaon naman ako ng sandwich." Palusot ko kahit hindi naman totoo.

"Basta we're going to eat lunch later. Hindi ko na tatanggapin ang pagtanggi mo. Susunduin kita sa office mo mamayang lunch break." Desididong sabi niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Pero Sir—"

"Nandiyan na sila." Nakangiti niya lang na putol sa akin pagkatapos ay tumingin sa unahan.

Dahan-dahan ako lumingon at doon ko nakita ang isang matangkad at matipunong lalaki. He is wearing a gray tux na saktong-sakto ang fit sa kanyang katawan. Naka-brush up din ang kanyang buhok at sobrang gwapo na animo'y isang modelo kung maglakad.

Nakarating ako nang mahihinang bulungan ng mga empleyado. Maging siguro sila ay napahanga nito.

Huminto ang lalaki malapit sa akin kaya naamoy ko ang barito niyang pabango na bumagay sa aura niya.

"Good morning." Bati niya at sumilay ang gwapo niyang ngiti.

Sabay-sabay naman kaming bumati rin sa kanya at ang ibang mga babaeng empleyado ay hindi napigilan ang kilig. Tumingin lang ito doon at bahagyang natawa.

"If you still don't know me yet, I'm Marcus Alegre, your new CEO. It's nice to meet you all." Pakilala pa niya sa sarili at muling nagpaskil ng pamatay na ngiti.

Panay ang pag-hi and hello ng ibang empleyado sa kanya. Sandali naman siyang natigilan na tila may naalala at napalingon.

"Oh by the way, I'm with my special someone today. I also want you to meet my fiancée." Sabi niya pa pagkatapos magpamulsa at bahagyang tumagilid. "Hon."

Sinundan ko ang kanyang tingin at halos huminto ang mundo ko sa nakita. Tumibok nang napakabilis ang puso ko na hindi ko na matandaan kung kailan ko ito huling naramdaman. Napasandal pa ako sa pader upang kumuha ng suporta dahil parang bibigay ang mga tuhod ko anytime.

That very familiar face, those gorgeous curves, and that flawless skin na kahit kailan ay hindi ko nakalimutan kahit ilang taon na ang lumipas.

She flashed a very beautiful smile. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko na parang lalabas na ngayon.

Ipinulupot ng CEO ang kanyang bisig sa bewang nito at parang may pinong kirot akong naramdaman dahil doon. May binulong pa ito sa kanya that made her laugh. That laugh. That very familiar laugh na sobrang namiss ko.

"I want you to meet my gorgeous fiancée, Tamira Sienn Alcantara." Ngiting-ngiting pakilala ng CEO na halatang proud sa napakagandang babaeng nasa tabi niya.

Parang may sirang plaka sa utak ko at nagpaulit-ulit ang sinabi nito. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko pero mas nangingibabaw ang matinding sakit. May fiancé na siya.

Muling ngumiti si Tami at nilibot ang tingin sa mga empleyado hanggang sa ako ang huli nitong tiningnan. Nagsimula ang tingin niya mula sa paa ko pataas sa aking mukha. Pigil na pigil ako sa paghinga habang umaakyat ang tingin niya dahil sobrang nakaka-intimidate siya kung tumingin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at huminto na naman ata sa pagtibok ang puso ko nang magtama ang aming paningin.

Buong akala ko ay magugulat din siya katulad ko pero hindi. Kitang-kita ko ang mga mata niyang walang buhay na akala mo ay hindi niya kilala ng tinitingnan. Pairap pa niyang inalis ang tingin sa akin at doon ko na naramdaman ang matinding sakit na halos hindi ako makahinga.

Those gorgeous eyes na noon ay parang kumikislap pa sa tuwing tinitingnan ako, na animo'y nakatingin siya sa isang nakakamangha at napakagandang bagay pero ngayon...wala na.

Dare To Love Me Not 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon