Chapter 17

448K 7K 1.3K

Wang wang! Patnubay ng dyosa ay kailangan. Ang pag-i-imagine ng lubos ay ipinagbabawal. 

Ps. Shutang na loob, patawarin nyo ako kung may mabasa kayong awkward na words, well i-expect nyo na 'yan. Kaya nga po restricted ang story na'to. So bear with it.  

--

Angel POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Did he really announced it? Na asawa niya ako? Na buntis ako at sya ang ama? Sa harap ng maraming tao? Sa mga empleyado ng Angel's restaurant? Damn. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin ko. 

Kasalukuyang nagda-drive si Oliver ngayon. We're heading to OB-gyne. Family friend daw nila. Ipapa-check-up nya daw ako. Para alam nya kung ano ang mga bawal at hindi sa'ken. See? Ibang-iba sya. Ang sweet na niya at ang bait sa'ken. Naka-drugs ba talaga kaya ang lalaking 'to?

"What are you thinking? Kanina mo pa ako tinitingnan ng masama." Tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sa daan. 

Shit. Nakakahiya! Masama ba talaga ang tingin ko sa kanya? Sareh! Di napigilan ang bugso ng damdamin. 

"In-announce mo na asawa mo ako." Sabi ko. 

"And?"

"Diba sabi mo, bawal malaman?"

"Now that you're bearing my child? Gago ako, walang puso o hayop ang ugali pero hindi ako marunong tumalikod sa responsibilidad ko."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nya. He really loves our child kahit kakabuo palang nito. "P-paano 'yun? Papasok ako sa restaurant tapos magtatanong sila. Maiilang na rin sila sa'ken."

"You don't need to work. You're my responsibility. You're my wife and I don't want you to get tired. Baka maapektuhan ang baby natin."

Natin. Namin daw. Wow. Ang sarap sa pandinig. Hindi sya ang tulad ng ibang lalaki na hindi pinananagutan ang nabubuntis nila, itinatanggi pa. But Oliver? He's proud. 

"So it means.."

"Sa mansyon ka lang. Hindi ka na magta-trabaho."

"Pero 'yung utan--"

"Tch. Kalimutan mo na yon."

Kalimutan daw? So it means, wala na akong utang sa kanya? Cleared na? 

"Just stay with me, wife."

My heart suddenly explode. Shit! Ano ba naman 'tong si Oliver, biglaan magpakilig. Ang sarap sa feeling. 

"Ah.."

"We're here."

Okay. Naputol ang moment. Pero pansin ko lang, pag nagpapakilig si Oliver, seryoso pa din ang mukha nya. Psh. 

Bumaba na kami ng kotse nya pagka-park nya sa harap ng clinic. Inalalayan pa nya ako at hinawakan ang kamay ko. 

"Careful." He said. 

Shit! Isang word lang 'yan pero kinikilig ako! 

I calm myself hanggang makapasok kami ng clinic. Clinic 'to ng family friend nilang OB-gyne. Pagpasok namin ay sumalubong sa'men ang babaeng medyo nasa forties. Nakasalamin at nakacoat na white. She must be the OB. 

"Mr. Ynarez." Nakangiting bati nung OB kay Oliver. Nagshake-hands sila. 

"Dra. Manesca." Matipid na bati ni Oliver. 

Kasunod niyon ay inakbayan ako ni Oliver. Gawd! Napapangiti na naman ako. 

"This is Angel, my wife."

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon