Prologue (Rebirth of Romance)

37K 550 34
                                    


I am just one hell of a writer.

Baby, PLAGIARISM is a CRIME!

Alam kong alam mo 'yan... Paalala lang naman.



Falling for someone and unable do do something about it is deadly.

-WittyKimmy



***

"Aalis ka na agad?" natatakhang tanong nito nang makitang tumayo na ako at nagsimulang magbihis.

"Zach, please answer me. Will you please stay here tonight." lumapit siya at niyakap ako mula sa likuran

"Get off!" I coldly say. Di ko ugaling matulog sa kwarto ng iba at lalong di ko ugaling magmahal ng iba. Naramdaman ko ang pagbitiw nito.

"W-when will I see you again?" napangisi ako nang marinig ang pangkaraniwan nitong linya, tulad rin siya ng iba. Natapos na ako sa pagbibihis, hinarap ko 'to at saka tinitigan ng mata sa mata, she smiled seductively. Hindi ko siya pinilit, siya ang nagpumilit.

"We're done." she was taken aback as I dropped the bomb. Pabagsak siyang napaupo sa kama.

"Zach!" sigaw nito, tears started to build within the corner of her eyes.

"As far as I remember, you told me last night that this will be a one nightstand." I reminded her.

"No, I- I wasn't serious about it, Zach!" she explained.

"I'm sorry honey, but I've marked your words." tumingkayad ako sa harap niya habang siya'y nakaupo parin sa kama.

"Those were just plain words, Zach. Damn it!" she exclaimed, nakita ko ang pag-angat ng kamay nito, akmang aabutin ang mukha ko kaya mahigpit ko itong pinigilan. Wala ni sino mang babae ang pwedeng humawak sa mukha ko.

"Words, isn't just as plain as you see it. I am someone who's always certain when it comes to taking and spitting it." tuluyan ng nalaglag ang mga luha nito sa mata. Tumayo ako at tinalikuran siya.

Lumabas na ako ng condo, narinig ko pa nang batuhin nito ang pinto.

I can say that my life before was close to perfection, nasira lamang nang mawala si Ria. Wala na akong makikitang babaeng lalamang pa sa kanya.

Totoo, nakikipagtalik ako sa kung sino-sinong babae. As long as they're the one who insist and I'm on the mood, they can can have me in one strict condition; they're not allowed to touch my face and kiss my lips.

Isa lang ata ang babaeng hindi ko magalaw-galaw, 'yon ay ang' asawa ko.

Tama, may asawa ako, Ria's twin sister at kahapon lang kami ikinasal. Hindi ko siya pinakasalan dahil gusto ko siya, she's an indebted captive, a subject of my vengeance. She has to pay the price, the price of losing Ria.

She's going to taste hell, she's going to meet the Devil.

No one can change the fact that I am broken... No one else can fix me.

No one can fix...


Zach Aiden Maxwell.




***


Ashlin Gail Grant

Napabalikwas ako ng marinig ang mga yabag papasok ng bahay, dumating na si Zach.

Alas-tres na ng umaga.

"San ka galing?" pagtatanong ko.

Sa halip na sagutin ako ay binalewala lamang ako nito saka dumeretso sa kusina.

"You cooked, didn't you?!" galit nanaman to.

"I did. Pero di ka dumating, akala ko rin kasi kumain ka na sa labas kaya niligpit ko na lang." sabi ko, saka kinuha ulit ang mga ulam. Alas tres na at kakain pa siya, anong tawag dito?

"Nah, it's cold." reklamo nito.

Kaya dali-dali kong isinalang sa kalan ang ulam at ng uminit. Matapos kong ihanda ang mesa ay tinawag ko na siya.

"Ayoko, nawalan na ako ng gana." ang sabi nito. Alam kong sinasadya niya 'to.

Kahapon lang kami ikinasal pero parang walang nangyari. Pano nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon?

Pilit niya akong pinapagbayad sa nagawa ko sa kanya. Kung di lang dahil sa pakiusap ng ate ko, di ako papayag na makasal sa kanya. Dahil alam ko, ang ate ko ang mahal niya at hindi ako.

Alam kong magiging malupit siya sakin, this is my consequences and I must suffer for this. Nakita ko siyang tumayo kaya hinabol ko siya.

"Pero, di ka pa kumakain." hinawakan ko siya sa braso at napatigil siya.

"Diba sabi ko wala na akong gana? You should know your limitations, ayokong hinahawakan mo ko at ayokong dumidikit ka sakin." I saw the bitterness in his eyes as he held me tightly.

"Z-zach..." ang tangi ko na lang nasabi.

"At wag mo ring kalilimutan that in this house, you're not my wife but a slave." parang nanigas ako sa mga narinig ko. Panglimang beses niya na itong sinabi sa akin. Di na ako nagsalita dahil alam kong mas hahaba pa ang usapan.

"Prepare, 'cause the best days of your life is still yet to come." nakangising sabi nito, pahiwatig na kabaligtaran ang tinutukoy niya.

Iniwan niya akong tulala. Those words of hate, the bitterness in his eyes, mga bagay na siyang sumasaksak sa puso ko. So hateful, pero ba't di ko parin magawang magalit sa kanya. Maybe because I still love him, secretly.

This is my life, a Replacement.

I owe him and I must pay.

This time, no one can help me.



*******


I love you babies, from the bottom of my bloody heart to infinity and back. You may also read my other stories, the Monteverde Series (Being His Unwanted Wife, Solace Love and Dreaming of you-Imperial Realm) and Our Tale in Time; a historical romance from 17th century.

Thank you so much and God bless.

Ms. Kim,

Slave of the Devil's Love [Rebirth of Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon