Chapter Eighteen

1K 88 6
                                                  

Chapter Eighteen

Palabas na ako ng university ng bigla ko siyang makita. Nakapark siya malapit sa gate habang naghihintay.

I sighed.

Gusto kong tumalikod ulit ngunit nilakasan ko na lamang ang loob ko. Hindi ko alam kung bakit pa niya ito ginagawa.

"Livia..."

Sinubukan niya akong hawakan ngunit agad akong lumayo sa kaniya. Nilingon ko siya. Pakoramdam ko ay nakukuryente ako tuwing magdidikit ang mga balat namin. 

Tumiim ang kaniyang bagang sa aking reaction.

"I'm not going to touch you. I'm sorry..." mahinahong sambit niya. "I just wanted to talk to you."

"Wala naman tayong pag-uusapan." sagot ko.

Akmang lalagpasan ko siya ng humarang ulit siya sa dinaraanan ko. Nakita ko kung paano niya pinigil ang sariling hawakan ako.

"Hindi ko alam na pupunta doon si Lexi—"

"Kapag ba alam mo mapipigilan mo siya? I don't think so." sagot ko.  Ilang beses akong umiling. "Gustong gusto niyang makita si Mama. May nagawa ba si Mama sa inyo?" sambit ko.

Nanahimik siya. Katulad ng inaasahan ko.

"Thankfully, my Mother is fine. Hindi ko alam kung anong nagagawa ko kung may nangyaring masama sa kaniya. I'll probably resent you and your family." sagot ko. Gusto ko lang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.

"I'm sorry..."

"Your sorry will never be enough. Nananahimik kami, Xandro. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari noon. My Mother has all the rights to be angry with your family kasi siya iyong sinaktan but she chose to forgive them para lang maging tahimik ang buhay namin pero bakit paulit ulit niyong ginugulo?" muling nanubig ang mga mata ko.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako pwedeng umiyak dito. May ilang estudyante ang dumadaan at napapalingon sa amin.

"Let's go somewhere else..." nagmamakaawang tugon niya.

"Uuwi na ako. Wala na akong sasabihin." matigas kong tugon.

Nilagpasan ko siya. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sana ang driver namin ngunit agad akong huminto ng hawakan niya ang braso ko. 

"Please. Huwag naman ganito. Let's talk, Livia..."

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ngunit hindi siya bumibitaw. Ang sabi niya ay hindi siya hahawak! Napakasinungaling talaga! 

"Ano pa bang gusto mong pag-usapan? You won, Xandro. Nasaktan niyo si Mama. I fell for your trap. Ano pa bang gusto mo?" natigilan siya sa sinabi ko.

"Lumapit ka sa akin dahil sa Mommy mo? Nagawa mo na. Nasaktan mo na ako. Masaya na ba ang Mommy mo? Nakakatulog na ba siya ng maayos?" sunod sunod kong tanong. 

Bumagsak ang luhang kanina ay pinipigilan ko. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang libreng kamay.  Lalo kaming pinagtitinginan.

"Hindi ako lumapit sa'yo dahil kay Mommy. Yes, she might have wronged your Mom a couple of times before but we didn't plan this. I love you, Livia! "

Umiling ako. I smiled at him, sarcastically. And he expect me to believe him? 

"Hindi mo na ako maloloko. Let's end whatever we have. Ayaw na kitang makita pa." nanghina siya sa sinabi ko.

Namungay ang kaniyang mga mata. Para siyang nawawalan ng lakas. Napakagaling niyang umarte! 

Muli kong kinuha ang braso ko. Agad niya naman akong nabitawan.

Wrapped (Los Hacienderos #1)Where stories live. Discover now