Banat (Batch 25)

243 8 3

Banat # 155

11-12-14

Minamahal pa kita lalo

Di ko man alam saan patungo

Tandaan andito lang ako

Higit pa kitang iniibig pustahan pa tayo

Hayaan mo lang na maipadama Pagsamba,

 Pagmamahal na higit pa sa inakala

Panahona man lumipas

Nadarama walang kupas

Sinasamba ka sa lahat ng oras

Banat # 156

 

11-17-14

Lahat gagawin ko magkabati lang tayo
Marinig ang matamis mong I LOVE YOU
Di ka man madaan minsan sa biro
Pero kahit ano gagawin ko
Basta't para sa'yo
Kahit ano kakayanin ko...

Banat # 157

December 16, 2014

Naglalakad
Nag-iisip
Kasabay ko ay ikaw

Bumabanat
Umagang-umaga
Ganun talaga
Lalo pag mahal mo di ba?

Gusto mong mapasaya
Kahit sa simpleng tula
Di man ganun kapulido ang pluma
Pagtiyagaan na at sadyang nagpupumilit maging makata

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!