REVERSE 1
TWINKLE TWINKLE LITTLE DAWN
SOPHIE'S POV
Panay lang ang nguya ko sa isang bowl ng popcorn na hawak ko habang pinapanood ko ang nagkukumpulan na si Daddy Poseidon at ang asawa ko na si Warren. Kanina pa sila nag uusap...at nagdadrama.
"Ewan ko ba sa dalawang 'yan. Akala mo naman hindi nagsasabi ng totoo iyong bata."
Nilingon ko si Mommy Bree. She's sitting comfortably next to me on the sofa. Pero imbis na makikain ng popcorn ay busy ang mga kamay niya sa pagtipa sa keyboard ng laptop na nasa kandungan niya. What's great about Warren's mother, the woman who raised the troubled child that I am, and the woman who's married to the most eccentric man on earth; is that she can work and still handle all of us.
Last month nga na nagsisimula pa lang siya sa medical research na ginagawa niya ay kaya niyang panatiliin ang konsentrasyon niya sa ginagawa habang busy si Daddy na mag videoke sa harapan niya. I don't know how she did it. Ako nga no'n na nasa garahe at papasok pa lang ng bahay dahil bibisitahin ko sana sila ng araw na iyon ay rinig na rinig ko na kung paanong bumirit ng Listen si Daddy paano pa kaya siya na umaatungal ang asawa sa harapan niya?
"Hindi naman kasi nila pinatapos ang speech ni Dawn. Kaya 'yan ang dadrama." sabi ko.
I can't help the smile that curve my lips when I heard tiny footsteps descending the stairs. Natahimik ang mag tatay na kanina ay abala sa dinidiskusyon at panonood sa video sa cellphone na hawak nang marinig din ang bagay na naulinigan ko.
A few seconds later, my daughter Dawniella appeared, looking as cute as ever. Siyempre anak ko 'yan eh.
Nakaladlad ang mahaba niyang buhok habang bahagyang tumatabing sa noo niya ang bangs niya, her cheeks have natural blush, and her eyes are shining despite her looking so serious. She looks like an angel and that's not just because she's our angel.
Iyon nga lang mukha siyang avenging angel kapag ganitong seryoso siya. Which is a lot.
I'm a happy child despite everything that happened to me, my biological family, and everything after that. Lumaki ako na dala-dala ang eccentricity ni Daddy Poseidon. Warren on the other hand can be funny at times but he's a bit more serious than anyone in the family except Mommy Bree. Nang dumating si Dawn ibang level ang dala niya ng kaseryosohan.
I'm not saying that she's not a cheerful little girl. She can be really sweet sa mga taong malapit siya. But sometimes I think she's too mature and intelligent for her age. You can see that in her eyes. The wisdom.
"You called for me, Daddy?" she asked my husband quietly.
Itinikom ko ang mga labi ko para mapigilan ang ngiti ko. Kanina kasi wagas ang pagdadrama ng dalawang lalaki habang pinag-uusapan kung paano pagagalitan si Dawn pero ngayon naman na nasa harapan nila ay wala silang masabi. Sino ba naman kasi ang walang pusong kayang pagalitan ang cute na anak ko?
"Bree, my love, my sweetheart, my baby, honeybunch, dearest, ang apple of my eye, the alaxan to my aray, the liver aid for my atay, the robust-"
"Enrique Marshall Davids." nagbabantang putol ni Mommy sa sasabihin ng asawa. "Nakita mo ng may bata."
Sunod-sunod na napakurap si Daddy na mukhang hindi naiintindihan ang sinabi ni Mommy. Gulat ang ekspresyon na nilagay niya ang isang kamay sa tapat ng puso na para bang nasaktan siya sa sinabi ni Mommy. "I was just about to say the robust tea in my morning."
"Tinuloy mo pa."
"But it's just tea." Naguguluhang tumingin siya sa akin. "May bago na naman bang pauso ang mga kabataan ngayon kaya hindi na pwedeng banggitin ang robust tea?"
BINABASA MO ANG
BHO CAMP Reverse
ActionA collection of one-shots revisiting our favorite characters: 1. First generation Elites 2. Second generation Elites 3. Young third generation Elites