Kabanata Three: Random Acts of Pagpapa-medical (Part 3)

406 72 1
                                    

The Doctor (Kwak Kwak) Is In

Matik naman na kapag magpapa-medical ka ay dapat sa doctor, right? Pero there would be times na magfe-fail ka at need mo ng help ni Doctor KK. Nagkaroon na ako ng experience na ganito, hindi naman talaga ako lumapit kay Doctor KK at hindi naman talaga ako nag-fail sa medical exam ko. Ganito kasi ‘yon, need ng medical certificate sa new work ko. Hindi na naman need ng resulta ng exams basta medical certificate lang. Eh may friend akong doctor, ‘yon nagpagawa na lang ako sa kanya. Buti na lang love ako ni doctor at pumayag siyang gawan ako. O ‘di ba nakatipid na ako at instant pa ang medical certificate ko. Agad-agad.

Meron naman sa aking nag-kuwento ng experience niya na kinausap daw siya ng doctor na ang ilalagay sa medical certificate niya ay “fit to work” basta may dagdag. ‘Lam mo na, under the table. ‘yon instant healthy person daw siya. Na-experience ko na rin ‘to na “fit to work” nga daw ang ilalagay sa medcial certificate ko for my internship ‘yon basta daw iinumin ko ‘yong gamot ko for UTI na bibilhin sa botika nila. Ayos! Win-win situation ha kaya ‘yon pumayag na ‘ko kahit na kumikitang kabuhayan si doktora.

Eto namang susunod kong ikukuwento sa inyo ay hindi Doctor KK kundi scam artist aka Jahric the Best Actress. Haha! Kasi ‘yong kuya ko that time ay mag-wo-work sa isang company eh no’ng nagpa-medical siya may problema daw siya at ayaw pang-pag-istartin sa work. He tried all the medical myths na rin pero wiz effect. Sabi sa ‘yo alamat lang talaga ‘yon eh. So, ang nangyari ay ako na lang ang pinag-medical niya para sa kanya. Letse ‘yon, eh! Ginawa pa akong manloloko. Eh sa ‘kin keri lang naman dahil bet ko din kasing ma-check kung okay wala na ba akong UTI, remember pinabili pa ‘ko ni doctora ng meds sa botika nila. Kaya ‘yon gora na ako sa ibang medical laboratory. No’ng nandoon na ‘ko siyempre BP muna, tapos bigay ng urine sample tapos pa x-ray na. Kaloka ilang beses kong muntik ng mabanggit ang pangalan ko tuwing tinatanong ako ng nurse ano pangalan ko. Tapos ‘yong nurse doon ay bet pa yata ako kaya mega chika si ateng na kung saan daw ako magwo-work, ano daw work ko, at saan ako nakatira. Aba kulang na lang kunin ang cellphone number ko, well, as if bet ko si ateng. Eww! Lalaki hanap ko. Haha! At dahil best actress ako that time kung ano-ano na lang sinabi ko, “Sa Sotifel ako magwo-work… pastry chef ako doon… sa Sta. Mesa…” Ang reply sa ‘kin ni ateng, “Ay, talaga? Chef ka pala. Dalhan mo naman ako ng cake dito minsan.” Sabay tawa siya. Ngiti na lang ako. Nilabas ang killer smile at pose na parang si Alden Richards. Yes, Pambansang Bae… Bae-ho! Pogi ko talaga! Siyempre, chos lang ‘yon ‘no. ‘Di ko ginawa ‘yong huli kong sinabi, ayoko kasing magpaasa ng babae. Harot much? Haha! Pero totoo, ang mga babae minamahal ‘yan hindi pinapaasa sa wala tapos sabay breezy moves.

Ending. Okay naman ang nangyari kahit medyo na abala ako ng kuya ko sa pagpapa-medical for him. Tae, wala lang mang pakain kahit Angel’s Burger. Kuripot! Pero okay lang talaga kasi kuya ko naman eh saka at least nakita ko ang resulta na cleared na ang UTI ko. Yey! Puwede na ulit kumain ng Tomi, Mr. Chips at Vinegar Pusit. Haha!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now