Panimula

802 136 4
                                    

Panimula... Where It All Ends!

"What's life after college?" 'Yan na ang naging tanong ko sa aking sarili just after graduation. Well, yes, medyo, ehem, I mean, super nag-enjoy pa naman ako on the first two months after graduation: nagpakain sa isang buffet resto (hindi sa Vikings ha!) to celebrate my triumphant graduation. After a week, pinagpatuloy naman ang celebration sa bahay nila Girlfriend (kilalanin siyang muli sa Kabanta Fifteen ng first book ko) kung saan ko naranasan ang pinakahuli kong inom ng alak (never again!). At sa huli, pumunta kami kila Nabsy (again, read Anong Klaseng Estudyante Ka? para malaman niyo kung sino siya. Okay?) sa Pangasinan kung saan nagsaya kami sa Hundred Islands.

The boozes. The beach. The summer heat. The fun. The freedom. Oh, this is life! Well, kung gano'n nga lang kadali at kasarap ang buhay. Pero kahit gano'n pa man ay naging super masaya naman ng post grad celebs ko! Pero after that, no'ng humupa na ang excitement, no'ng nawala na ang hangover ng graduation, no'ng nasampal na ako ng realidad na, "Hindi ka na estudyante, Jahric! Hindi na student fare ang bayad mo sa jeep! Kailangan mo nang maghanap ng trabaho! Ikaw naman ang tutulong sa pamilya mo ngayon! This is the end nang pagiging palamunin mo!" Kalokang konsensiya 'yan!

Hay, isa lang ang nasabi ko sa panahon ng mga #YDKWTD moments ko, lemme sing it for you alla Mariah Carey, "You don't know what, you don't know what, you don't know what to do..."

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now