CHAPTER 14

17 2 0
                                    

[Angel's POV]

Nang magkaroon ng vacant ay agad akong lumabas kasama si Krissha at nagtungo sa field para sa sariwang hangin. Iniiwasan ang presensya ng mga kaibigang hindi ko naman alam kung kaibigan ba talaga.

"Ayus kalang ba Angel?"

"Oo naman Krissha."

"Alam mo girl, I suggest na wag mo na lang ipagpatuloy yang feelings mo kay Lance. Ngayon, napapatunayan ko ng playboy talaga siya."

Natutuwa ako sa concern na pinapakita ni Krissha sa akin. Siguro nga ay tama din ang sinabi ni Abi. Na wag na kaming lumapit dapat sa kanila.

"OMG. Bes, yun o. Yung cutie guy na 'yun nung nakatama sayo ng ball."

Biglang sabi niya kaya nilingon ko ang lalaking hindi ko naman makita ng maayos.

"OMG. Wala na siya. Ang bagal mo kasi tumingin. Alam mo ba nung madala ka namin sa clinic ay hindi siya umalis doon at ako pa ang pinabalik niya sa classroom. Sayang, hindi ko natanong ang pangalan niya."

Bigla ay nanumbalik sa akin ang sinabi ng nurse pagkagising ko. May cute na pabalik-balik para sa akin. Akala ko ay si Krissha lang 'yun. Pero nawala ang mga naiisip ko ng maringgan ko na naman ang boses na ayaw kong marinig.

"Can we talk, Angel?"

"Lance. Bakit kaba nandito?"

Si Krissha ang sumagot para sakin.

"Hi Seatmate."

Sumulpot naman din si Miguel.

"Mag-uusap muna sila seatmate. Tara kain tayo sa canteen."

"Waaaah. Angel!!! Bitawan mo nga ako!!!!"

Pagpupumiglas pa ni Krissha nang tuluyan siyang hinatak ni Miguel para sumama sa kanya. As if I know, nagpahatak ka naman talaga Krissha Laine.

"Angel."

Panimula niya. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. Hindi ko pa rin siya tinitignan.

"Bakit mo na naman ba ako iniiwasan?"

"Ano bang paki mo?!"

Naiiritang sagot ko. Gusto ko siyang sumbatan sa iba ibang pinapakita niya sakin. Mayroong sweet siya, pinaparamdam niyang espesyal ako. Pero mayroon ding bigla nalang parang wala na naman ako para sa kanya. Nakakairita na.

"I care. Look, I am asking you to be my friend. We're friends, right?"

"Friends don't kiss Lance."

Nakita ko kung paano siyang nagulat nang tignan ko siya sa mga mata niya.

"That's why I asked you to be my girlfriend. Diba?"

Naalala ko nang tanungin niya ako noon dahil sa isang deal lang naman.

"Wow. Di naman porke nahalikan mo na ang isang tao, ay kayo na."

"I'm sorry if nahalikan kita. Okay?"

Hindi. Hindi yun yung dapat ihingi mo ng sorry. Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan pero pinanatili ko na lang sa sarili ko.

"Let's go out."

"Ditch class again?"

Naiiling ko siyang tinignan pero nakaramdam na naman ako ng kuryente ng hawakan niya ang kamay ko.

"Right after class kung ayaw mo magcutting. I will offer this as my sign of saying sorry for whatever I have done."

Nilingon ko siya. Ramdam ko na naman ang sinseridad niya pero ayoko ng magpadala.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now