CHAPTER 12

14 3 0
                                    

[Angel's POV]

Matapos ang kanta namin ni Lance, inalalayan niya ako pabalik sa back stage. Pero masyado akong natulala sa lahat ng ginawa niya. Mabilis pa din ang kabog ng dibdib ko na sinasabayan ng sabay na pagkanta naman nina Annika at Zach. Kung ako ang tatanungin, pwede na silang magconcert sa dami ng taong sumusuporta sa kanila. Hindi ko inakalang ganito sila kapopular.

"Are you okay?"

Pagtatanong ni Lance. Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko naman siya.

"Y-yeah."

Tipid na sagot ko. Nang akma siyang lalapit sa akin ay pinigilan ko siya.

"D-dyan ka lang. P-personal space p-please."

Nang wala na siyang magawa ay naghintay nalang kami ng hudyat para sa kantang pagsasaluhan naming lahat. Maayos na naisagawa ang performance na 'yun. Pinakilala nila ako sa lahat at maayos naman ang pagtanggap ng mga customers sakin. Kabilaang song request naman ang ginawa ng mga customers. Halos 2am na nang matapos kami. Pinili namin ni Krissha na umuwi nalang matapos 'yon imbis na mag-stay sa hotel nila.

"Ihahatid ko na kayo."

Pagpiprisinta ni Lance. Bago pa ako makasagot ay nagsalita naman si Jerome.

"Ako na Lance. Magpahinga kana."

"No, ako na."

Patuloy silang nagtalo kung sino ang maghahatid sa amin. Sa huli ay si Jerome nalang ang sinabi naming maghatid samin. Nakita ko kung paanong napangiwi si Lance matapos 'yon. Nagpaalam na din sila isa isa sa amin. Sa byahe pauwi, tahimik lang kaming lahat. Maging si Krissha na hindi matinag sa kadaldalan ay nanahimik nalang. Pinasalamatan namin si Jerome sa paghatid niya sa amin at dumeretso na sa bahay. Nang paakyat na ako sa kwarto ay mukhang hindi na napigilan ni Krissha na magsalita.

"May nangyari ba Angel?"

Imbis na sagutin siya ay nagdere-deretso nalang ako sa kwarto at umarteng walang narinig. Hindi ko na nagawang maghilamos. Agad akong humiga sa kama at nag-isip. Bakit ba ganito kalakas ang epekto sa akin ng lalaking 'yon? Ano ba ang tingin niya sa ginagawa niya? Hindi naman ako laruan para pagtripan niya ng ganito. Sa kakaisip ay hindi ko namalayang nakatulog ako sa ganoong itsura at pwesto.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit kulang na kulang sa tulog. Agad akong naligo at naghanda na para pumasok. Nadatnan ko si Krissha na naghahain ng almusal namin at babauning lunch.

"Goodmorning Angel."

Masigla niyang bati pero wala akong naimik kahit isang salita. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kaya kahit isang salita ay hindi ko magawa. Patuloy sa pagkekwento si Krissha ng kung anu-ano pero nanatili lang akong tahimik. Puro tango lang ang isinagot ko pero mabuti nang nasa daan na kami ay hindi na siya nagtanong pa ng kung ano-ano. Pagkarating sa classroom ay nadatnan naming wala pa ang Heiressix. Umupo ako sa silya ko pero iniyuko ko nalang ang ulo sa arm chair. Wala ako sa mood ngayong araw na ito dahil binabagabag ako ng sarili kong nararamdaman.

"Goodmorning class."

Hindi ko namalayan maging ang pagpasok ng adviser namin. Lumingon ako sa likod ko pero wala pa ang kaklaseng inaasahan ko. Mabuti na rin na wala siya dahil hindi ko na alam kung paanong magrereact sa tuwing andyan siya. Natapos ang una at ikalawang subject nang hindi sila dumarating. Siguro ay exempted sila dahil sa special holiday kahapon. Nang magkavacant ay nilapitan ako ni Krissha. Paulit ulit niyang tinatanong kung ayos lang ako.

"Hi. I'm Abi."

Paglapit naman ng isang babaeng may magandang kutis at sexy na katawan sa amin. May kulay din ang buhok niya na ash gray na nagbibigay ng mas lalong kagandahan sa kanya.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now