Natauhan ako dahil sa last niyang sinabi, "May pagka-antipatiko ka din pala noh." Tugon ko sa loob ng isip ko, "Ano nga? Bakit di ka pa rin umaalis? Diba swap na ulit kayo ni Erica," pag-ulit ko,

Tumingin ulit siya sa gawi ko at umirap. Wow ha! Confirmed! Halamang dagat nga "That bestfriend of yours is now in early vacation and studying online. I thought you two are bestfriends, bakit di mo alam?"

Natulala ako sa sinabi niya. Grabe naman tong si Erica! Ilang week na nga lang yung klase nag early vacation pa. Tiyaka bakit di niya sinabi sa akin?! Ang daya! Parang hindi niya ako bestfriend sa lagay na 'to.

"So, hindi mo nga alam?" Sarkastiko niyang saad na sinundan pa ng ngisi,

I just stare at him for a second saka napairap dito bago ko dinial ang number ni Erica, I need to know why she didn't tell me!

'ring... ring... ring...'

"Hello frieny? Napatawag ka?" bungad ni Erica mula sa kabilang linya,

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na mag i-early vacation ka pala! Kala ko ba bestfriends tayo?!" nagatatampo ang paraan ng pabulong na pagsigaw ko sakaniya,

"Hoy babaeng apat ang mata! Did you forgot na tumawag ako sayo kahapon pero anong sinabi mo sa akin? Huh?" hindi ako nakasagot at napapamaang na pinapakinggan siya, ""Goodmorning MOM achuchuchu blablabla opo pababa na po nyenyenyenye!" Ano? Naaalala mo na? Kahapon ko sana sasabihin sayo kasu nga lang alam kong ini-interrogate ka nanaman ni Tita Loly." Walang wala ang machine gun na yan sa bibig ng kaibigan kong 'to.

"Ay yun ba yun? Hehe sorry na." napapahiya kong saad, "Promise hindi ako galit. Sige na nandyan na yung favorite teacher mo." Sunod sunod kong binigkas ang mga huling salita nang matanaw ko na sa hallway si Sir Bautista.

"Excuse me! Mr. Bautista is not my favorite teacher! That cold blooded animal is my predator! I hate him, dahil sa kaniya nagka line of seven ako! Oh sige na. Babye, kausapin mo naman yang seatmate mo, mabait yan promise. Bye!" sunod sunod ding aniya sabay putol sa linya.

Napalingon ako sa katabi kong prente lang ang pagkakaupo sa silya niya. "Kausapin mo naman yang seatmate mo, mabait yan promise..." mabait daw? Hmp, it's the worst lie I've ever heard.

Muli akong humarap sa pisara ng bumati si Sir Bautista, "Good morning, class" bata pa si sir Bautista at halos limang taon lang ang agwat niya sa mga students na hinahandle-lan, ngunit makikita mo sa kilos, pananalita at pustura niya ang kaniyang propesyon, at dahil dun iisipin mong malaki ang agwat namin sakaniya.

Mabait si sir kapag nasa labas na ng klase ngunit di siya tatawagin sa bansag niyang "The Predator" kung mabait siya sa loob ng klase, istrikto siya pagdating sa mga deadlines and activities at ang pinakakilala niyang pag uugali ay ang pagkakaroon ng paboritong istudyante sa kada section at hindi niya tinatago iyon, bagkus ay pingangalandakan niya pa sa pamamagitan ng pagtawag dito gamit ang pangalan imbis na ang apilyido gaya ng sa iba.

"Good morning Mr. Bautista," bati ng buong klase except sa katabi kong 'to na para bang walang naririnig at nakikita dahil deretsong sa harapan lang ang tingin.

"Hoy, bakit di ka man lang bumati? Attitude ka, sir?" pabulong kong tanong dito habang nakatingin pa din sa harapan.

"There are many students who greeted him already, he don't need my greeting at all, so why would I?" mahina niya ding bulong habang inilalabas ang binder notebook niya at pen na tanging laman ng bag niya saka sinuot ang hood ng jacket.

Wow ha! Cold blooded nga! Ang init init na nga ng room dahil hindi pa nagtatagal ang pagkakabukas ng aircon ay binalot pa ang sarili sa jacket. Ganun ba kalamig ang dugo niya at kailangan niyang mag jacket.

If Only I Can Live With YouWhere stories live. Discover now