22 "The Other Side"

46.2K 810 35
                                                  

22

"The Other Side"

Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Para na nga akong bata. Eh ano kung makita nila kong ganito, wala na akong pakialam.

"Tumigil ka nga sa pag-iyak. Para kang bata!" sigaw ni Tonsi at hinablot nya ako sa kamay pero hindi naman para makipagholding hands. Ang paghawak nya sa'kin eh yung parang bata na higit-higit ng nanay nya.

"Bitiwan mo nga 'ko." Mahina kong sabi habang naiyak. Hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin, pero sa way ng nilalakaran namin eh papunta kami sa parking lot. Napansin kong kotse nya yung nasa may unahan at mukhang dun kami papunta. Hinigit ko ang ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. "Ano ba sa tingin mong ginagawa mo ha?" Puro luha yung mga mata ko at hindi ko masyado makita ang reaksyon ng mukha nya.

"Wag ka na ngang maraming tanong!" Binuksan nya yung kotse nya at itinutulak nya ako papasok sa loob. Hindi ako nagpatinag, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"May klase pa ako. Hindi ako pwedeng umalis." Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko. "Kung aalis ka, wag mo na akong isama.

"Papasok ka ng ganyan ang itsura mo?" Hinigit nya ako ulit at iniharap sa salamin ng kotse nya. "Ayan, tingnan mo ang sarili mo. Mas lalo ka nilang pagtatawanan. Kaya mabuti pa sumama ka sa'kin. Mabilis lang tayo, makakabalik ka bago ang klase mo." Pumasok na sya sa loob ng kotse at naiwan ako sa labas.

Ang dumi-dumi ko nga. Ang lagkit-lagkit ko na din. Yung kaninang yellow na suot ko eh brown na ngayon. Anong gagawin ko? Kung sasama ako sa kanya, saan naman nya ako dadalhin? Naku manyak nga pala sya. Paano kung may gawin sya sa'king hindi maganda? Oh no!

"Wala akong gagawin sa'yong hindi maganda kaya sumakay ka na." Inistart na nya yung car.

Narinig ba nya ako?

"Hindi kita naririnig. Nababasa ko lang yang facial expression mo."

Oh-em! Mind reader pa ata sya.

"Alam mo ang arte-arte mo. Nagsasayang ka lang ng oras eh. Sasakay ka ba o tatayo dyan?" Talagang desido sya.

"Sige, dahil tinulungan mo ako kanina." Pumasok na ako sa loob ng kotse at isinara ko na yung pintuan.

"Sasakay din naman pala ang arte-arte pa!" Lumingon sya sa likod para iatras yung kotse.

"Hoy Tonsi, wag mong isipin na porke niligtas mo ako kanina dun sa mga frogs eh magagawa mo na ang gusto mo." Natakot ako sa sarili kong naisip.

Ngumisi lang sya at diretso pa din sa pagda-drive.

"Buksan mo yung windows ng car mo para anytime na may gawin kang hindi maganda eh sisisgaw ako." Pananakot ko sa kanya habang nagsi-seatbelt.

"Naiirita ako sa kadaldalan mo. Para sabihin ko sa'yo kahit ganito ako, hindi ako basta-basta pumapatol sa babae no!" Biglang harurot ng kotse. Napansin kong hindi sya nagsi-seatbelt tapos sobrang bilis pa nya magpatakbo.

"Magseatbelt ka nga!" Masungit kong sabi sa kanya.

"No way. You're like my mom! Ganyan ba talaga kayong mga babae?" Bigla syang bumusina na ikinagulat ko. Parang nainis sya na hindi ko maintindihan. Sobrang bilis magpalit ng mood nya. Bipolar ata 'tong lalaking 'to eh. Hindi na ako nagsalita dahil natakot na ako. Ibang-iba sya kay Cliff. Si Cliff hindi na kailangang sabihang magseatbelt. Hindi pa sya katulad nitong si Tonsi magdrive. Sobrang laki talaga ng pagkakaiba nilang dalawa.

Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin. Hindi ko pala sigurado kung malapit lang ba talaga o mabilis lang talagang magdrive si Tonsi. Kahit pagpapark ng car sobrang galing nya. Parang kabisado na nya yung parking dito sa tapat ng─ 'L&TS Department Store'. Department Store? Anong ginagawa namin dito?

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon