Part 16

6.7K 254 34
                                    

"ANO BA sa palagay mo ang ginagawa mo? Bakit nagpunta ka rito? Hindi mo ba alam kung gaano ka-sira ulo ang mga tao rito? At kina Jigger at Trigger ka pa talaga dumikit!"

Michi tried pulling her hand away from Baxter's grip as they walked away from the restaurant. Pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Kaya napilitan na lang siyang bilisan pa ang kanyang paglakad upang hindi tuluyang makaladkad nito.

"Sinabi ko na sa iyong huwag mo na uli akong lalapitan, hindi ba? Pero hindi ka nakinig at talagang nagpunta ka pa rito!"

"Sino ba ang nagsabing ikawa ng ipinuntan ko rito?"

Huminto ito sa paglalakad at bumaling sa kanya, kunot ang noo. "What?"

Hah! Thanks, Trigger. Or Jigger. Or whoever. Umayos siya ng tayo.

"Isinama ako rito nina Sonja at Diosa para makapag-relax. Nalaman kasi nilang hindi na naman ako makapagsulat kaya dinala nila ako rito." She deliberately followed her gaze to the club member who just passed by on his horse. "Ohh! Ang dami ngang guwapong inspirasyon dito. Sana pala noon ko pa kinulit sina Sonja. Sa dami ng nagkalat na guwapito at pogito rito, siguradong marami na rin akong naisulat na nobela. Milyonarya na siguro ako ngayon." Isa pang club member ang dumaan sa tabi nito. "Ooohh! Hi! Nice, aherm, horse."

"That's Brad. He's married." Isa-isa pa nitong itinuro ang ilang club members na makikita roon. "That's Zell, he's married. Neiji, married. Romanov, married. Reichen, married. Daboi, engaged. Icen, engaged. Cloud, Ian Jack, Rozen, Pipo, all were taken. Wala ng natitira. Kaya puwede ka ng bumalik ng Maynila."

"Taken na silang lahat?" Hinarap niya ito. "E, ikaw?"

"I'm off the list."

"Meaning?"

"Hindi ako puwedeng maging inspirasyon mo."

"Meaning?"

"Michelle—"

"Michelle? Ano na ang nangyari sa pet name mo sa akin na 'Panget'?" Hindi ito sumagot. Malakas na ang kutob niyang tama ang ginawa niyang pagsunod dito sa lugar na iyon. "Sige, maghahanap pa kasi ako ng guwapo at single na inspirasyon."

Nahawakan siya nito sa kanyang braso upang pigilan. Napatingin siya sa kamay nito at pagkatapos ay sa guwapo nitong mukha. Damang-dama niya ang kakaibang pagtibok na iyon ng kanyang puso. Funny how she could actually identify the different beatings of her heart. Or that there was actually such a thing. Noon kasi, ang alam niya ay tumitibok lang ang puso at normal lang iyon dahil nabubuhay ang mga tao. Ngayon ay nalaman niyang ang pagtibok ng puso ay hindi lang dahil nabubuhay tayo. Iyon ay dahil din sa nagmamahal kasi tayo.

"Hindi ka na dapat nagpunta rito, Michelle."

That again? Naman. Sinalubong niya ang magaganda nitong mga mata. Lihim niyang ipinaalam dito ang talagang gusto niyang sabihin. "You can't make me go away, Baxter. I'll stay no matter what you say. Hindi mo ako matatakot para lumayo."

"Hindi kita tinatakot. Ayoko lang na masaktan ka sa pag-alis mo rito. The men here could easily hurt you."

"Well, thank you for your concern. Pero sa tingin ko naman e hindi ako tanga para hayaan ko ang sarili kong masaktan ng mga lalaking tinutukoy mo. Anyway, kung sakali mang masaktan ako, wala namang bago. Nasasaktan na ako, wala pa man ako rito." Binawi niya ang braso niya rito. "Kaya ngayon ay mag-e-enjoy na ako nang husto sa mga biyaya ng Diyos sa kababaihan. Huwag ka ng mag-alala sa akin. Hinding-hindi na ako masasaktan. Hmm? Sige, bye." Napangiti siya nang mai-spot-an isang club member na naglalakad palapit sa kanila. "Speaking of biyaya ng Diyos...anong pangalan niya, Bax? Single ba iyan? Libreng pagnasaan? Angas, huh."

Akala niya ay hindi na ito sasagot dahil sa tagal nitong magsalita. Ngunit sa pagsasalita nito ay tila may nagbago na sa boses nito.

"Gutom lang iyan, Panget. Let's go grab something to eat."

"Ah, okay lang ako rito." She continued watching the man approaching them, while she was trying to hide her feelings at the same time. "Ngayon pa lang busog na ako. Look at him, mukha pa lang ulam na. Yeboy. Kutsara at tinidor na lang ang kulang."

At balak na talaga niyang salubungin ang paparating na lalaki para lang makatakas sandali kay Bax. Mukhang bibigay na kasi ang puso niya sa kabiguang nararamdaman nang mga sandaling iyon dahil ni hindi man lang siya nito pinansin ang mga pagpaparinig niya tungkol sa nakasanayan na niyang pananakit nito sa damdamin niya nang hindi sinasadya. But she wasn't running away. Magre-recharge lang sana siya nang hilahin na naman siya nito palayo.

"Bax, what are you—"

"Hindi ka mabubusog sa ginagawa mong kalokohan. We're going to eat a decent meal. At hindi iyan guwapo. Mapagpanggap lang iyan."

Naglakas-loob ang puso niya tutal, nasasaktan na rin naman siya. "Huuu! Ang sabihin mo, nagseselos ka lang."

"Hindi ako nagseselos."

"E, bakit inilalayo mo ako sa nilalang na iyon?"

"Nasabi ko na. Kakain tayo."

Napabuntunghininga na lang siya. Nakakatawa na lang siya. Hindi na kasi natuto ang puso niya. Patuloy pa rin itong nagmamahal. Oh, well. Wala, eh. Ganito na talaga yata kapag nagmahal ang isang tao. Mapa-fiction man o reality, pareho lang ang nangyayari. When a person trully love someone, he or she would give her all to that feeling. Even when it means that in the end, there would only just heartache for him.

Bahala na. Kung mabibigo ako ng tuluyan, sisiguruhin kong mag-e-enjoy ako nang husto sa pakikipagsapalaran kong ito.

Sinabayan niya ng paglalakad si Baxter. Saka niya pinilit na bagalan nito ang paglalakad. Pagkatapos ay idinikit niya ang katawan dito at inihilig ang ulo sa braso nito.

"Gusto ko ng masarap na beefsteak," wika niya.

"Bakit nakahilig ka pa?"

"Bakit hawak mo ang kamay ko?" He let go of her hand. She hugged his arm and stayed by his side. "Huh. 'Kala mo, ha..."

"Ano iyan?"

"Elepante."

Mas lalo pa niyang idinikit ang katawan dito. Kaya damang-dama niya ang pagtawa nito. Saglit lang iyon ngunit sapat na iyon para makapag-recharge siya. 

Stallion #40: BAXTER SAAVEDRA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon