Part 15

6.6K 275 23
                                    

PALIPAT-LIPAT NG tingin si Michi sa dalawang lalaking magkamukhang-magkamuha. Nakapasok na siya ng engrandeng Stallion Riding Club sa tulong nina Sonja at Diosa. Gusto pa sana niyang i-appreciate nang husto ang ganda ng naturang lugar ngunit okupado na ng problema niya sa magiging pagkikita nila ni Baxter ang isip niya.

Pagkatapos na lang ng lahat ng ito...

Ngayon ay kaharap na niya ang dalawa sa pinakaguwapong mukha na nakita niya sa buong buhay niya. The Samaniego twins really looked like each other. Especially now that they're wearing their club's official uniform. Parang nakikita niya sa mga ito ang eleganteng pagkatao ni Bax. Kung ganon, mayaman nga siguro talaga ang binata kaya hindi na nakapagtatakang napaka-cultured ng pananalita at pagkilos nito. In fact, lahat yata ng club members doon ay ganon ang attitude. It was like, their wealth matched their fine attitudes.

Hindi nga lang siya sigurado sa dalawang ito. They looked nice enough but there was also something about the way they watched her that made her uneasy. Kung bakit naman kasi iniwan pa siya roon nina Sonja. Pero hindi na bale. Kailangan niyang kalimutan ang personal na nararamdaman para na rin sa kanyang katahimikan.

"Tell us," mayamaya'y wika ng isa sa mga ito na sa pagkakatanda niya ay si Jigger. "Bakit sa palagay mo dapat ka naming tulungan kay Baxter?"

"He already dumped you, didn't he?"

Ah, there it is. The 'something' that made her uneasy. May kalupitan magsalita ang dalawang ito. Pero wala siyang balak na umatras.

"He didn't dump me," aniya.

"Kung ganon bakit mo siya hinahabol ngayon?"

"Kung tinanggap ka niya sa buhay niya, hindi mo na kami kailangang harapin, hindi ba? At hindi na tayo nag-uusap ng ganito."

Heh! Pakialam nyo ba? Sa gusto kong habulin si Baxter hanggang dito! "Gusto ko lang marinig mismo sa kanya na...hindi niya ako mahal. Nang tanungin ko kasi siya, wala siyang sinagot."

"Well, wasn't that answer enough?"

Tumango ang kakambal nito bilang pagsang-ayon. "O kung gusto mo naman, kami na lang ang sasagot sa iyo para kay Baxter. He doesn't love you."

So, I therefore conclude, that I hate these two. "You're not Baxter. Sa kanya ko lang kailangang marinig ang mga salitang iyan. Saka lang ako susuko sa kanya."

"Look, Miss—"

"Look, you two. Kung ayaw ninyo akong tulungan, fine. Ako na lang ang maghahanap kay Baxter. Anyway, nandito na naman ako at maliit lang ang mundo ng Stallion Riding Club para hindi ko siya makita." Tumayo na siya. "Salamat na lang sa oras ninyo. Pasensiya na sa istorbo."

Nakakailang hakbang na siya palayo nang muli niyang marinig ang pagtawag ng mga ito sa kanya.

"Why are you insisting on knowing the truth about how he feels for you, Miss? Alam naming alam mo na rin talaga ang sagot sa katanungan mong iyon sa kanya, kahit hindi mo na marinig ang sagot sa kanya mismo."

Binalingan niya ang mga ito. "Dahil minsan ko lang maramdaman ito kaya ayokong basta na lang ito bitiwan. Dahil umaasa pa rin ang puso ko. Dahil...dahil...mahal ko pa rin siya kahit anong mangyari. Kung hindi kami pareho ng nararamdaman, gusto kong sabihin niya iyon sa diretso sa akin. Saka lang ako matatahimik."

"Kahit masaktan ka?"

"Kasama na iyan sa paglaki," sagot niya. "At malaki na ako. Kaya ko na iyon."

Muling nagkatinginan lang ang magkakambal saka bumuntunghininga. One of the twins stood up and walked in front of her.

"I like you," nakangiti nitong wika. "Ganyan dapat kapag nagmahal."

"Ha?"

"That's really cute." Hindi na siya nakapag-react nang yakapin siya nito. It was a gentle hug, only meant for a sister or a friend. "Imbes na alamin mo ang sagot ni Baxter sa tanong mo, bakit hindi mo na lang siya paibigin."

"That way, you'll have your chance with his heart." Naramdaman niya ang isa pang tao na yumakap sa kanya. Ang isa pa sa kambal. "Kapag hindi pa rin iyon wala pa ring nangyari...then you've got your answer."

Natahimik bigla ang kanyang puso. At unti-unting nawala ang iritasyon niya sa magkakambal. They were giving her a chance with their friend. Napangiti na lang siya. Hindi naman pala kasing sama ang mga ito gaya ng una niyang impression dito. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang sinubukan lang ng mga ito kung gaano katatag ang nararamdaman niya para kay Baxter. And now she had their approval.

"Uy, group hug!"

"Pasali!"

"Ako rin!"

"Yey!"

Naramdaman na lang niya ang pagdagan ng bigat sa kanya dahil dumami ang sumali sa maliit nilang grupong iyon. Natatawa na lang siya. She never felt this protected, this treasured, specially in the presence of men she hardly knew. Ganito pala ang mga Stallion boys. Very lovable. At ramdam din niya ang matinding paggalang ng mga ito sa mga babae. Kaya hindi na kataka-takang pati sa outside world ay pinagkakaguluhan ang mga ito. They were humans too, just like her. Hindi mahirap abutin. At madaling mahalin, tulad na lamang ng isa sa mga ito na kanyang minahal.

"What's going on here?"

Natigilan si Michi. Boses iyon ni Baxter!

"Group hug, pare."

"Sali ka rin!"

"Masaya 'to!"

Pinilit niyang makawala sa group hug na iyon upang makita na ang binata. Ngunit hindi siya makaalis kaya sumigaw na siya.

"Bax!"

"Michelle?"

"Bax—aw!"

"Michelle! Ano ba sa palagay ninyo ang ginagawa ninyo sa kanya? Get off her!"

Naramdaman niya ang unti-unting paggaan ng kanyang pakiramdam. Iyon pala ay dahil isa-isang kinakalas ni Baxter ang mga nakisali sa group na pinauso ng kambal. Nang tuluyang makawala ay tila umawit ang kanyang puso nang makita na uli ang binata. Oh, how she missed that gorgeous face and those lovely blue-green eyes of his! At napakakisig nitong tingnan sa suot nitong uniporme. Kaya hindi na tuloy kataka-takang wala na siyang ibang naging reaksyon kundi ang ngumiti dito nang makita ito.

"What are you doing here?" he asked though.

Aray. Tinatagan niya ang sarili. Sabi nga ng kambal, hindi niya kailangang marinig ang sagot nito sa tanong niya kung mahal siya nito. At ang dapat ay gumagawa siya ng paraan upang makuha nang tuluyan ang puso nito. Mahirap iyon, base na rin sa nakikita niyang pagkakakunot ng noo nito ngayon.

He wasn't happy to see her.

"Michelle," ulit nito. "What are you doing here?"

Ngunit bago pa siya nakasagot ay may isa namang yumakap sa kanya.

"Michi! You pretty little thing! Let me take a good look at you." Si Shin pala iyon. "Nomu yepuda. You're really pretty."

Yayakapin siya nitong muli nang mawala siya sa mga bisig nito. Nahila na kasi siya ni Baxter palayo sa grupo ng mga ka-member nito. She looked back at the men who just smoothered her with hugs. Nakangiti lang ang mga ito habang ang kambal ay thumbs up pa sa kanya. Si Shin naman ay kumaway lang.

So what happened was just a plan.

You, guys, are good!

Stallion #40: BAXTER SAAVEDRA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon