CHAPTER 1

92 27 0
                                                  

"WAAAAAAAHHHH! ANGEL!!!!!!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga matapos marinig ang isang malaking damba sa pinto ko sabay ng matinding pagsigaw. Inaasahan ko na naman 'to lalo na't first day namin sa bago naming paaralan.

"OMG!!!!! EXCITED NAKOOOOO!!!!"

"Halata nga."

Pinagbuksan ko siya ng pinto at ikinagulat kong suot na niya ang school uniform namin. Wow. Excited talaga.

"Maligo kana ano kaba. Malelate tayo niyan."

"Okay okay."

Wika ko at isinarang muli ang aking pinto. Nagtungo na ako sa banyo upang gawin ang mga kailangan bago pumasok ng paaralan. Nasa 4th year high school na kami. Ito ang last year namin sa High School. Pero papasok kami sa bagong paaralan. Isang pribadong paaralan na tanging elites o mayayaman lamang ang nakakapasok. Well, may mga iba din namang di mayaman na nakakapasok doon gaya nalang namin. Pero sobrang taas ng kalidad ng paaralang iyon at kailangan mo munang maipasa ang entrance exam bago ka makapag-apply sa scholarship nila.

"Love Empire Academy."

Bigkas ko ng may ngiti sa labi matapos basahin ang pangalan ng logo na nakadikit sa school uniform namin. Noon pa mang bata ako, pangarap ko ng makapasok sa paaralang ito. Ngunit dahil walang sapat na pera ay sinubukan nalang namin ang scholarship application na isa sa mga requirements ay dapat na 95 lahat ng grades mo sa mga subjects. At nung 3rd year lang namin yun nagawa ni Krissha. Palibhasa'y kinaiinisan kami ng mga guro kaya noong 3rd year lang kami nagkaroon ng ganoong mga grado.

"Breakfast is ready. Here. Let's eat."

Wika ni Krissha. Si Krissha ay isang kaibigan mula pa pagkabata. Siya ang kasama ko sa bahay. Bahay NILA. Bata palang ako, namatay na ang nanay ko. Bestfriend naman ng nanay ko ang mama ni Krissha kaya sa kanya raw ako pinaampon. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniwan daw kami ng tatay ko. Wala ring alam ang mama ni Krissha tungkol sa tatay ko. Ni ang buo nitong pangalan ay hindi daw naikwento sa kanya ng nanay ko dahil ayaw na niya itong pag-usapan noong ipinagbuntis ako. Tanging palayaw niya lang ang naikwento sakin ng nanay ni Krissha at ang Love Empire Academy kung saan sila nagkakilala. Kaya naman pangarap ko talagang makapagtapos sa paaralang iyon upang makilala ang ama ko.

"OMGGGG!!!! Here we go!!!!!!"

Syempre tili na naman 'yan ng kaibigan ko habang naglalakad na kami papasok ng academy. Jusko. Daig pa niya lagi ang megaphone sa kaingayan ng bibig niya. Nasanay nalang din ako at minsan ay nahahawa pa sa kadaldalan niya.

"Parang mas excited kapa kaysa sakin Krissh. Alam ko ako may pangarap neto a?"

Nangingiti kong wika sa kanya.

"Ano kaba Angel. Pangarap ko na din 'to duhhhh. Grabe. Imagine, para na tayong rich kids neto. hihihi."

"Ikaw, mayaman ka naman talaga e. Biruin mo, parehong nasa Japan ang parents mo."

"Duhhhh. Parents natin Angel. NATIN."

"Hahaha. Ano ko? Adopted child?"

"Ay ewan ko ba sayo."

"Bilisan mo na nga lang maglakad. Malelate tayo niyan."

"Nakakainis ka naman kasi Ms. Kuripot of the century, pwede naman tayong magtricycle, mas pinili mo pa maglakad."

Walking distance lang ang academy sa village namin kaya naman ayos lang sa akin na maglakad. Mas makakatipid pa. Kahit naman itinuring na rin akong anak ng mga magulang ni Krissha ay gusto ko parin na makatulong sa mga gastusin namin sa bahay.

"WAAAAAAA!!!!!! ANDITO NA TAYO ANGELLLLL!!!!!"

Sabi sa inyo. Lakas ng tili. Parang laging naiihi.

"KYAAAAHHH!!!!"
"OMG AYAN NA SILAAA!!!"
"KYAAAAHHHHHH!!!"

Kung nakakabingi si Krissha ay mas nabingi ako dahil sa tilian ng mga estudyante dito.

"Di ata ako nainform na may artista dito Angel pag first day. Nako tara. Papa-autograph tayo."

Hinila niya ako palapit sa mga nagkukumpulang estudyante at talagang nakiusyoso siya.

Ngunit sa di inaasahan, ay mas lumakas pa ang tilian nilang lahat nang bumaba sa kani-kanilang mga sasakyan ang iilang estudyante.

"Sino ba mga 'yan? Tsk."

Pabulong kong singhal at itinuon ang paningin sa kaibigan kong tulala na rin sa pagtitig sa kanila.

"Krissha Laine. Let's go. They're not worth of our time."

Yaya ko sa kanya pero hindi siya natinag sa pagtitig sa mga estudyante na dumaraan na sa hallway at talagang binigyang daan ng bawat estudyante.

Mas ikinagulat kopa nang tumili din siya at halos mabingi na talaga ako sa ingay ng lahat.

"H-hi Yen. Please accept my gift. Bag yan from Paris."

"OMG. This is so cute. Thank you."

Maarteng tugon naman ng babaeng inabutan ng regalo.

"L-lance, ito o. Regalo k-ko. Para sa-sayo."

Wow. May gift giving pala dito tuwing first day of class. Nakakatuwa. Sana ay maabutan din kami.

"Sorry. My standards doesn't qualify your poor gift."

Wika ng lalaki at nilagpasan ang babae. Umugong ang bulung-bulungan dahil sa pagkapahiya ng babae at nauumay kong pinagmasdan ang anim na tila mga sikat na artista. Ngunit naagaw ng kaibigan ko ang aking atensyon dahil nanatili siyang nakasunod ang tingin sa mga yun.

"Gwapo nga, pangit naman ugali."

"Tsk. Ang bitter mo girl."

"Tara na. Iikutin pa natin 'to para mahanap room natin."

Ngunit bago kami nakapagpatuloy sa paglalakad ay nabangga ko ang lalaki sa aking likuran.

"What the hell did you just call us, woman?"

Wika ng lalaking kanina ay namahiya sa isang estudyanteng nag-abot ng regalo sa kanya.

- -

Hope you like it! Sorry for the grammar corrections and typos.
Mwa 😘😘

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now