CHAPTER 30

399 24 21
                                                  

AVERY

Of course, I was confused. Masakit, oo. Pero mas lamang iyong pagkalito ko kung papaanong biglang hindi na lang sisipot si Eliot sa araw mismo ng kasal namin.

Nagpabago ba ang isip niya? Kung nagbago... anong nangyari? Bakit hindi niya sinabi sa akin, bakit biglang ganoon ang nangyari? I know it's a big risk and I also have this thought na baka pwedeng pahupain na lang lahat-lahat at tsaka kami magplano ng mga ganito.

Pero hindi ko inuna ang mga iyon dahil gustong-gusto kong makasama si Eliot.

"Avery," tawag ni Diane sa akin sa mahinang boses bago hinawakan ang aking balikat. I only look at her with tears in my eyes. Kanina pa tulo nang tulo ang luha ko, kanina pa rin ako natutulala sa harap ng dingding. Marahil ay gulo na rin ang makeup na pinaghirapan pa ni Selene na ilagay.

I sniffed, trying to compose myself and to think of plans. Kung ano na nga ba ang gagawin ko ngayon? Should I go back to Lucena already and talk to Eliot.

Baka naman pinigil siya ng nanay niya? Baka naman wala lang siyang choice kaya nagawa niya 'to. Alam ko namang hindi basta-bastang susuko si Eliot ng ganito.

"Diane, I wanna go back to Lucena..." sabi ko sa nanginginig na boses. Nanghihina na rin ang tuhod ko kakaiyak.

Pakiramdam ko mauubos na ang tubig sa katawan ko dahil ilang oras na akong nagkukulong sa hotel room na kinuha nila at walang sawang umiiyak.

"We will go back to Lucena tomorrow, but for now please take some rest. Marami tayong aayusin pagbalik natin."

My mother is probably furious right now, maiintindihan ko kung sakaling magagalit nga siya sa akin. Pero anong magagawa ko? Nagmamahal lang naman ako.

"Magpahinga ka na," ulit ni Diane kaya tumango na lang ako at nahiga na nga sa kama. Not minding if I'm still wearing the dress na sana ay wedding dress ko. May makeup pa rin ang mukha ko, kaso wala na rin naman akong gana na pumasok pa sa banyo upang makapag ayos.

Pagod na pagod na rin ang katawan ko, I feel so drained.

Siguro naman may rason si Eliot, kilala ko siya. Hindi siya basta-basta gagawa ng desisyon na hindi niya pinagisipan o walang mabigat na rason.

I'm sure once we talked, ie-explain niya sa akin. Maiintindihan ko kung mauudlot ang kasal at pagtatanan namin dahil mas may dapat kaming pagtuunan.

Siguro ay narealize niyang hindi tama ang plano namin, we should just wait for our parents to calm down.

Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay mommy nang makauwi ako sa bahay. She's crying at pinipigilan naman siya ni daddy na sampalin pa akong muli.

Napalunok na lamang ako at tahimik na iniinda ang hapdi ng pagkakasampal ni mommy sa akin. I understand why she slapped me, alam ko kung bakit galit siya at naiintindihan ko iyon. Although my mother is selfish when it comes to loving Eliot's father, alam ko rin na may pake siya sa akin dahil nagiisang anak niya ako.

"Anong naisip mo at sumama ka sa kaniya, Avery?! Papatayin mo ako sa nerbiyos nang bigla kang mawala! Nahihibang ka na ba?" Gusto ko sana siyang tanungin o ibalik ang tanong sa kaniya kung nahihibang na rin ba siya at nakiki-kabit siya sa tatay ni Eliot ngunit alam kong mali ang sumbatan siya.

Kahit anong mangyari ay nanay ko pa rin siya at naiintindihan kong bilang isang ina kaya siya nagagalit na sumama ako kay Eliot at sinubukan pang makipag tanan.

"You're just eighteen for god sake, Avery! Paano na ang kinabukasan mo? Mas pipiliin mo ba talagang mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan mo mula bata ka?"

And that's where I remember na hindi na katulad ng dati ang mga grades na nakukuha ko. Bumabababa na paunti nang paunti.

Marahil ay dahil sa distraction na nararamdaman at stress na nakukuha ko mula sa pamilya ko, sa pamilya ni Eliot, sa aming dalawa.

"At anong napala mo? Iniwan ka niya sa ere, Avery!" Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni mommy na iyon.

Gusto kong h'wag na sanang isipin ngunit paulit-ulit na nagp-play sa isipan ko na para bang isang sirang plaka.

I went to the university the next day, pagod na pagod sa nangyayari lately. Hindi sumasagot sa texts at tawag ko si Eliot kaya naisip ko na baka kapag nagkita kami ngayon dito ay kakausapin niya ako.

"Kumusta ang pakikipag tanan?" Napalingon ako at nakita ko agad ang ngisi sa mga labi ni Ivory habang tinitignan ako ng mapang asar na tingin.

Hindi ko alam kung papaanong nalaman niyang nagtanan kami ni Eliot. Sinabi ba ni Xanthe? Hindi ko alam. Gustuhin ko man na sumagot sa kaniya ay tinalikuran ko na lang siya at nagsimula ng umalis sa loob ng klase dahil gusto ko ng makausap si Eliot.

"Quit acting cool, Avery. Nagiging desperada ka na masiyado..." she said as her last remark pero hindi ko na pinansin.

I immediately went to Eliot's department, hoping na baka makita ko siya roon. Pero ang sabi ng mga kaklase niya ay naka alis na raw ito, ang sunod kong pinuntahan ay ang garden kung saan sila madalas tumambay na magkakaibigan, wala rin siya doon.

Me:
Xanthe, nakita mo ba si Eliot?

Xanthe:
I'm sorry, Avery. Hindi ko pa siya nakikita.

So he's not with his friends then? Ginabi na ako kakahanap sa kaniya at kakasubok na tawagan siya pero walang nangyari.

Umuwi na lang ako sa bahay at inisip na meron pa namang bukas. Pero nakita ko ang sasakyan niyang nakaparada hindi kalayuan sa bahay namin.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi mapigilan ang excitement na nararamdaman ko.

"Eliot..." bulong ko sa sarili ko at agad na tumakbo upang makalapit sa sasakyan niya.

Kinatok ko agad ang bintana ng kotse niya and he slowly slide it down to open.

"Eliot," tawag ko sa kaniya. Napakagat ako ng ibabang labi. He looks better looking right now. Mukhang maayos naman siya, hindi katulad ko na mukhang naeewan na.

"Can we talk?" He said in a raspy tone bago bumaling ang mata niya sa passenger seat ng kotse niya na para bang sinasabing pumasok ako.

"S-sure... sandali lang." sabi ko at nagmamadaling tumakbo para makapasok na sa loob ng kotse niya.

Naramdam ko ang pamilyar na lamig ng kaniyang sasakyan at ang amoy nito na gustong-gusto ko nang makaupo na ako.

He's holding the steering wheel habang ako ay nasa hita ko ang mga kamay ko.

"Kanina pa kita hinahanap," pangunguna ko sa pagbasag ng katahimikan. "Nakapatay ang cellphone mo?" Tanong ko na para bang isang normal na sineryo lamang ito.

"Avery," he called my name in a tone na ni minsan hindi niya ginamit sa akin. Sobrang lamig, may diin. Napalunok ako at sinubukang ngumiti.

"I know you came here to talk about what happened the other day at gusto ko rin na mapagusapan natin iyon ng..." pero hindi na niya ako pinatapos pa sasabihin ko.

"Let's break up,"

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon