dedication porr -- @IheartAlannahJa9 ;3

- - - -

xEPILOGUE.

[RACHELLYN's PoV]

"WAAAH~" sabay at nakangiting sigaw nitong mag-ama ko habang nakahawak at nakadikit ang mga tenga nila sa tyan ko--

Sa MALAKING tyan ko pala. ^___^

Kasalukuyan kasi akong buntis. Actually, I'm 38 weeks pregnant na sa 2nd baby namin ni Adrian and.. I'm already due to give birth next-next week!

"MOMMY!" tawag sakin ni Andy. "NAG-GALAW PO ULIT SYA!" *o*

"Ang galing. Talagang pag ganitong oras sa umaga eh naglilikot bunso natin noh?" ngiting-ngiti na sabi ni Adrian sabay himas sa tyan ko.

Ako naman, ngumiti rin at naki-himas sa tyan ko.

"TSS.. Itong mag-ama na toh.." bigla at parang naiinis na sabi ni Ate Hazel. Umupo sya sa sofang nasa tapat ko. "Kung maka-react, parang ngayon lang na-feel na sumipa yung baby eh kada umaga at kada gabi naman nararamdaman nyo yan." =___=

Nakangiti syang nilingunan ni Adrian. "Hinding-hindi mo kami maiintindihan, Ate Hazel. Hinding-hindi naman kasi magkakalaman ng bata yang tyan mo, di tulad ng asawa ko."

Naku po. Mag-aasaran na naman po itong magpinsan. ^___^'

"HUH~ Hindi talaga Adrian dahil wala naman akong balak na magkaroon ng bata sa loob ng tyan ko noh." mataray na sagot ni Ate Hazel kay Adrian.

"Aba, dapat lang na di ka na magkaroon ng ganung plano dahil wala namang papatol sayo para lagyan ng bata yang tyan mo." HAY ADRIAN! Mapipikon mo si Ate Hazel nyan eh! >___<

Pero nagulat naman ako nang hindi na sumagot si Ate Hazel kay Adrian. Ngumiti lang sya. Mapang-asar na ngiti.

"Ah, Pa." tawag ko kay Adrian bago pa sya makapang-asar ulit kay Ate Hazel. "Mag-7:30 na, baka ma-late kayo ni Andy."

"Oo nga noh?!" napatayo na si Adrian mula sa pagkakaluhod. "Nak, tara na!"

Umalis na sa tabi ko si Andy at inalalayan ako ni Adrian na tumayo.

"HAAY SA WAKAS AALIS NA ANG MAG-AMA.." nagrelax sa sofa si Ate Hazel at parang matutulog.

"Yaan mo Ate Hazel, babalik ulit kami mamaya para asarin ka. HAHAHA" Adrian talaga oh.

Tinuturuan nya kasi minsan si Andy na mang-asar din kay Ate Hazel kaya ayan, nadadamay na anak namin sa asaran nilang mag-pinsan.

Medyo nahihiya nga ko kay Ate Hazel eh. Inaasar pa sya ng mag-ama ko samantalang hinihingian namin sya ng pabor para bantayan ako dito sa bahay habang busy sa work si Adrian.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!