"If you need me, if you want me to do something, just tell me. Nasa shop lang ako o nasa bahay." tumango ako at hinatid siya ng tingin. Pagkaalis ni Kendrick ay tumawag si Sab, and I told her nothing happened. Habang kumakain ay may naisip akong idea. Isang ngisi ang pinakawalan ko bago kinuha ang phone ko.


To Sab:

Can you find me someone? A guy perhaps, attractive, charismatic, and hot. The Casanova type, and maybe a sex God too.

From Sab:

Are you going to make me find you a fuck buddy?

To sab:

Lol, no. Just do it.


Nakangisi kong binaba ang phone ko. After kumain, ay nagpalit lang ako ng suit at kinuha ang susi ng motor ko. I'm going to the headquarters. Meast emailed me about something, and I have to clarify it with him. He knows that missions aren't my priority, kaya mas kokonti ang binibigay niya sa 'kin. Sumali lang naman ako for fun, yeah, kahit delikado, katuwaan lang 'to para sa akin. At isa pa, dahil din kay Mavis, but I know deep inside me, mahal ko rin naman ang trabahong 'to.


After a long talk with him, ay umalis na rin ako. Biting my lip, I sent Luhennce a couple of messages. I greeted him, good morning. Offering him a coffee, or somewhere to relax since it's Sunday. It's like nothing happened last night. Na parang wala kaming pinagtalunan. I secretly tracked them. Magkasama sila ngayon. I don't care kung magmukha akong stalker ngayon. I just want to see how he treats her. Kung mas better ba 'yon sa kung paano niya ako ituring noon.


Pumasok sila sa isang jewelry shop. I saw how Clarisse shook her head, but Luhennce insisted on buying her necklace. I bit my lower lip, feeling envious of her. Kasabay pa nito ang narinig kong kantang tumutugtog ngayon sa isang speaker sa kabilang department store.


'That should be me' pakiramdam ko, ako 'yong kumakanta. Nakakarelate ang nararamdaman ko sa lyrics nito. Parang sinasaksak ang dibdib ko sa napapanood at sa kantang ngayon, ay rinig na rinig ko. Marahan at pasekreto kong pinahi ang kumawalang luha sa mata ko. Pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa kanila.


At walang oras na hindi ako, nasasaktan. I stepped out, kung masaya sila, sisirain ko ang kasiyahan nila ngayon. Buburahin ko ang mga ngiti nila sa labi. Taas noo ko silang nilapitan, noong una ay hindi pa nila ako napapansin.


"Hi!" halos mapatalon silang dalawa nang bigla akong nagsalita. I was between them now, with a smile on my face.


"Amanda ano nanaman bang kailangan mo?" mariing tanong ni Luhennce at sumulyap kay Clarisse na tila naghihingi ng pasensya.


"Wala naman, mayroon kasi akong three tickets for the cinema. Sayang naman kasi solo lang ako, actually apat to eh, but since dalawa lang kayong kakilala ko na nakita ko rito. Mind if I invite you two? Let's watch a movie." nakangiti at excited na sabi ko habang naglilipat lipat ang tingin ko sa kanila. Clarisse seems not to be fine with it and is intimidated again by my presence. Mukhang naiilang din siya, pero wala akong pakialam. Sana nga'y mag walk out na siya para masolo ko si Luhennce. Hindi ko maiwasang mapangisi sa isip ko.


"Hindi kami mahilig manood ng movie in public. Kaya mo nang mag-isang manuod."


Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now