Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang maalala ko ang gusto niyang mangyari. Natatakot ako sa mangyari ngayong gabi. Kabilugan ng buwan, alam kong aktibo naman ang inner wolf ni Lanz. Alam kong may kaunting epekto pa rin ang lason na nalanghap niya noon. Alam ko na ang lason na iyon dahil hindi raw iyon mabilis na mapawalang bisa.
Ipinikit ko ang aking mata para maalala ko ang pinag-usapan namin ni Lolo Alessandro tungkol sa lason.
"Lolo... may tanong ako sa 'yo? Ano ang lason na nalanghap ni Lanz three years ago?" seryosong usisa ko. Alam ko kilala niya ang tinutukoy ko. At alam kong may kutob na ito sa akin kung ano ang relasyon namin ni Lanz.
"Don't involve yourself in this matter, Veronica." Ito lang ang tanging sagot ni Lolo Alessandro.
"Lolo, I already know. Alam ko na ang lahat pati ang pagkatao ko. I know that I am a half-witch and half-werewolf. Please... Lolo, huwag mo naman sa akin ipagkait ang nalaman mo bilang witch. Teach me how to make poison, antidote, potion, spells, etc. Please..." pagmamakaawa ko. I know werewolf is sensitive to smell, ito rin ang kahinaan nila.
"I'm sorry if we didn't tell you the truth. Veronica... I guess, I don't need to say who we really are. Pero, apo... ayaw kong mapahamak ka kaya hindi namin sinabi sa 'yo ang totoo. Alam ko ang binabalak mo ngayon."
"Lolo, wala akong binabalak. Gusto ko lang malaman. I want to cure Lanz. Ikaw ang gumawa ng lason na iyon. Please, help him."
Gusto ko sana siyang sumbatan dahil sa pagkasala niya sa mga McMahon pero wala nang oras para sa sumbatan. Kailangan kong malaman ang gamot sa pagkalason ni Lanz.
Buntonghininga ang pinakawalan ni Lolo Alessandro bago tumingin sa akin. "If you really want to know then, I don't have a choice. Ang pangalan ng lason na iyon ay arsenica. Ako nga ang nag-imbento sa lason na iyon ngunit hindi ko alam ang lunas sa lason na nagawa ko."
Arcenica. Hindi siya familiar sa akin. Pero, seryoso? Siya ang nag-imbento? At hindi niya alam ang lunas? Paano?
Hindi na lang ako umimik. Tanging mata ko lang ang nakatuon sa kanya. Seryoso siya. Lumapit siya sa kanyang drawer. May ibinigay siya sa akin na dalawang libro.
"Read these books, galing ito sa angkan natin at ang isa galing ito sa iyong ina. Siya ang nagsulat ng librong ito." Pinakita niya sa akin ang kulay berde na libro, hindi ito masyadong makapal. "I will leave this book to you, read it, and learn as soon as possible. I know you can do it. You're a brave child like your mother. I'm sorry, I don't know the antidote for what I've invented. I hope you can make the antidote. I hope."
"Sana nga, Lolo. Maraming salamat." Niyakap ko agad si Lolo Alessandro ng mahigpit.
"S-Sweetheart..." mahinang sambit ni Lanz at tinapik ang aking balikat na siyang nagpukaw sa diwa ko.
"Lanz, are you okay?" nag-alalang tanong ko dahil napahawak ito sa kanyang ulo.
"I felt dizzy after I drink the wine you gave me." He is still holding his head.
Oh, sh*t! May lason ba sa wine? Huwag naman sana.
Kinuha ko ang wine glass niya at inamoy iyon. Napamura na lang ako dahil may nilagay na pampatulog sa wine. Inamoy ko rin ang aking wine, may pampatulog din sa wine ko. Mabuti na lang hindi ko pa nainom. Wala na akong choice kundi gamitin ang gamot na ginawa ko. Tinapon ko ang laman ng wine glass namin.
Kinuha ko agad sa aking purse ang gamot na mapawalang bisa ang pampatulog. Pinagplanuhan nga ni Lolo Oliver ito.
"Here take this. Mapawalang bisa nito ang naramdaman mo ngayon," utos ko at binigay sa kanya ang gamot. Kahit walang tubig ay okay iyon dahil parang likido naman ang gamot.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Lobisomem[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Three
Começar do início
