Chapter 41

271K 12.9K 10.1K
                                    

#RTG41 Chapter 41

Everything was normal. I'd wake up early to cook breakfast tapos ay ihahatid ko si Sandro sa school dahil malapit lang naman 'yung school niya sa office ko. I'd work for the whole day and have lunch usually alone... Ayoko na kasing ma-chismis. Mas mainam lumayo sa lalaki. I really didn't get the why they're interested about me, either. I just wanted to be a wallflower and work quietly.

But today was different.

I received an email from Irina.

Excited akong binuksan iyon dahil hindi ako madalas maka-rinig ng kahit na ano sa kanya. Kung ako lang ang masusunod, 'dun na rin kami titira ni Sandro sa malapit sa kanya. Pamilya pa rin naman kami... But our parents' death was really hard on her. Sa paningin niya, ako ang may kasalanan ng lahat... Siguro nga... Pero ilang beses na akong humingi ng tawad... 'Di ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin.

Pagbukas ko ng email, nagtaka ako dahil forwarded lang iyon. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang laman nun. It was an email from a lawyer saying that the people who 'adopted' me years ago just died and apparently, they left their land to me.

Agad na umawang ang labi ko.

"Mom!"

Mabilis akong napa-tingin sa labas at nakita ko na nandun na si Sandro at kuma-katok. I immediately unlocked the door and he got in.

"How was school?" I asked.

"Boring," sagot niya. "What were you reading?"

"Nothing," I replied, smiling at him as I started the engine of the car. Habang nasa sasakyan kami, nakita ko na tinitignan na ni Sandro iyong mga assignment niya. I was really lucky to have him. Wala akong problema sa kanya maliban sa pagiging pilosopo niya minsan. Often times, he felt older than his actual age. Hindi ko alam kung ganoon lang talaga siya o naging ganoon na lang talaga dahil kailangan niyang magmature nang maaga dahil dalawa lang kami.

He's also very protective of me. Madalas siyang napapa-away sa school dahil sa akin. Halos magmakaawa na nga ako sa kanya na 'wag niya na lang pansinin kapag may sinasabi tungkol sa akin. Hindi naman kasi totoo. Wala naman akong nilalandi na tatay sa school.

But I guess it's true...

Bad reputation precedes you.

Na kahit nagbago ka na, sa paningin ng iba, iyon ka pa rin.

Like you couldn't outgrow the bad traits and actually mature.

My son's still a kid. Pinagdadasal ko na lang talaga na hindi niya masyadong dibdibin iyong mga naririnig niya tungkol sa akin.

"Are we going on a vacation?" he asked.

"Where do you wanna go?"

"Hmm... Anywhere with a pool."

"What about Cali? You wanna go visit Tita Irina?"

Hindi sumagot si Sandro.

Kung ako ang masusunod, gusto ko na maging close sila ni Irina kasi tatlo na lang kaming pamilya... Pero malayo talaga ang loob ni Sandro kay Irina. Dati kasi nakita niyang sinisigawan ako ng Tita niya at simula nun, hindi niya na kinausap si Irina. Ilang beses ko nang pinaliwanag na may pinag-uusapan lang kami, pero sa paningin niya, kaaway na si Irina.

It's just so complicated.

Kaya kung pwede lang, sana magkita na sila ni Sancho... Dahil pakiramdam ko kapag tumagal pa nang tumagal, hinding-hindi na siya tatanggapin ni Sandro.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon