ganito kase yan simula't sapul sinilang ako dito sa mundong ibabaw ,
lumaki ako ng hindi ko nasasabi ang mga nararamdaman ko o hinaing ko sa isang taong mahalaga saken at nadala ko yon hanggang ngayon,
naisip ko kaseng kimkimin nalang lahat ng yon sa sarili ko meron kaseng isang salita akong kinakatakutan
alam nyo kung ano yon???
R.E.J.E.C.T.I.O.N
yan , yan ang salitang kinakatakutan ko ...
siguro nga masyadong mababaw para sa iba na may mas malalang kinakatakutan,
pero para saken mahirap, mahirap ang mareject ng taong mahal mo ,
dahil sa salitang yan ayoko na magsabe ng tunay kong nararamdaman sa isang tao ,
kase natatakot ako na salungat sa nararamdaman ko yung nararamdaman nya para saken ,
ayoko mabalewala ung lahat ng sasabihin ko ayoko marinig kung ano ba yung maaring sagot nya mula sa mga sasabihin ko,
dahil maaaring hindi ko ito magugustuhan at masasaktan lang ako ,
.
pero sa tingin ko mali ang naging desisyon ko na wag sabihin ang nilalaman ng puso ko sa taong nagbigay ng kulay sa aking mundo ,
maaari nga akong masaktan sa kanilang magiging tugon sa nararamdaman ko at maaari din akong mareject ,
pero siguro mas mabuti kung sinabi ko bawat salitang nais kong sabihin para wala ng pagsisisi sa puso ko ngayon ...
napapaisip ako ngayon kung ano kaya ang magiging tugon niya kung nasabe ko ang mga salitang gustong lumabas sa bibig ko ...
maaari kayang parehas pala kame ng nararamdaman pero dahil sa kaduwagan ko hindi nya na nalaman ang dapat nyang malaman at dahil don hindi ko din alam kung ano kaya ang naging tugon nya sa mga salitang nais kong sabihin sakanya ...
edi sana alam nya kung gaano siya kahalaga sakin at kung gaano nya ako napasaya nung dumating sa sya buhay ko...
edi sana alam nya na gustong gusto ko siya pero hindi lang halata kase hindi ko alam kung pano ko sakanya ipapadama yon sa isang linggo ko siyang nakasama , kahit isang linggo lang yon , kahit sobrang bilis lang na panahon naramdaman ko na may tao palang kaya akong pasayahin sa kanyang sariling paraan,
pero ako eto hindi ko naparamdam sakanya kung gaano ko sya kagusto kung gaano ako kasaya na dumating sya sa buhay ko ,
kaya siguro nawala siya saken
kaya siguro iniwan niya ko
kaya siguro nawalan siya ng ganan saken kase ...
masyado akong nakampante na ok lang lahat na wlang magbabago kahit hindi ko sakanya ipadama ung nais kong maramdaman nya , siguro naisip nya na hindi sya ganon kahalaga saken dahil sa mga kilos ko hindi ko sakanya pinapakita kung gaano sya kahalaga saken ,
masyado akong nagpakampante na hindi siya mawawala o magsasawa na mahalin ako habang ako eto parang wala lang siya saaken kahit na ang totoo ay sobra ko siyang mahal...
ŞİMDİ OKUDUĞUN
regrets
Kurgu Olmayanin real life there such no way for u and me to be together , but in my dreams we're happy together.
