IAR [15]

101K 2.6K 208
                                    

-15-

Xhaiden Heather Roa's POV

FRIDAY. DECEMBER 19, 20^^. Seven o'clock and thirteen minutes in the morning. Last day na namin dito sa Trese. Ang buong akala ko puro saya ang mararanasan ko pero hanggang akala lang pala. Expectation sucks!

Umayos ako nang pagkakahiga sa kama. Kanina pa ako gising pero ayaw kong bumangon. Gusto kong magmukmok lang hanggang sa umuwi. Wala naman kasi si Grant. Bumalik siya sa Isla de Carpio.

Umalis siya kaninang ala-sais para asikasuhin ang nangyaring insidente sa hotel. Natrauma siya sa nangyari pero bumalik pa rin siya. Hindi niya pa ako hinayaang sumama. Uuwi rin daw agad siya. Pulos negatibong bagay ang bumabagabag sa akin. Paano kung mapahamak ulit siya?

Inaasikaso niya na 'wag maibalita ang nangyari sa newspaper at TV. Ayaw niya talaga ng gano'n. Kahit sina mommy no'ng time na nangyari ang pagkakaaksidente ni ate, hindi rin 'yon kumalat. Kaya walang alam ang mga tao dito sa Trese. Maliban sa mga malalapit na pamilya namin. Ang laki talaga nang nagagawa ng pera.

"Nak!" Kumatok si Aling Cora. Sa isang linggong pananatili namin dito kilala ko na ang boses niya. Kapag umuwi na kami siguradong mamimiss ko sila lalo na ang kambal na sina JA at AJ. "Kain na tayo." Bumukas ang pinto kasi hindi naman talaga iyon nakasara. Umupo siya sa tabi ko at tinap ang ulo ko. "'Wag kang mag-alala, uuwi si Grant."

"P-Paano kung may mangyari na naman—" Napahikbi na ako kaya hindi ko na naituloy. Ako talaga ang natrauma. Kapag naiisip ko si nanay. Ang crane. Ang malaking tipak ng semento. Si Grant. Nagnginginig ang buong katawan ko sa takot.

"Nakung bata ka. Walang aksidente na nangyayari nang sunod-sunod. O kung meron man, plinano na 'yon o nagkataon." Ang kalmado lang ng boses niya. Nag-alala sila kahapon pero bakit ngayon okay na sila?

Natahimik na lang ako. Ang umiikot talaga sa isipan ko ang sinabi ng matanda. Ayaw ko mang i-entertain pero nangyari ang insidente wala pang sampung minuto. Coincidence? Grabe namang coincidence 'yon.

"Na, naniniwala po ba kayo sa hula?" Umupo na ako sa kama at ipinatong ang baba sa dalawang tuhod at niyakap.

"Hula?" Hinihimas pa rin niya ang buhok ko. "Kaya nga hula, ibig sabihin hindi sigurado."

"Pero paano kung naging totoo? Nagkataon lang ba 'yon?"

"Hindi ko alam," seryosong sagot niya. "Walang scientific explanation o proof na totoo ang hula. Walang mawawala kung papaniwalaan mo. Wala ring mawawala kung babalewalain mo. Bakit mo ba naitanong?"

Umiling agad ako. "W-wala po. Kain na tayo?" Tumayo na ako. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na papaniwalaan ko, pero isa lang ang sigurado ako. Susundin ko ang sinabi ng matandang iyon. Mag-iingat ako.

Kumain kami ng almusal, pananghalian at meryenda pero hindi pa rin umuuwi si Grant. Kahit na tawag sa telepono, wala. Kinakabahan na ako. Nakailang palit na ako ng posisyon sa sofa. Naikot ko na rin yata lahat ng sulok ng sala. Hapon na pero wala pa rin siya.

"Ate, nahihilo kami sa 'yo!" sabay na usal nina JA at AJ na nakaupo sa couch. Parehas silang naka-indian style habang kumakain ng popcorn. Nagagawa pa nilang kumain habang nanunuod ng movie na Final Destination. Nagmomovie marathon sila, dahil kanina pa silang tanghalian nanunuod. Tutok na tutok at wala yatang balak na tumigil.

"P'wede bang Miracle in Cell No. 7 na lang ang panuorin n'yo?"

"Nakakaiyak 'yon ate. Saka ilang beses na namin iyong napanuod, eh."

"Mas nakakaiyak ang Final Destination."

"Ang astig kaya," sabay ulit sila. Tutok pa rin ang mga mata sa pelikula. Kaya napatingin na lang din ako doon. Lahat ng Final Destination napanuod ko na. Hindi naman talaga nakakaiyak, nakakatuwa pa ngang panuorin. Gusto ko talaga ng mga gano'n. Pero ngayon, once na marinig ko lang ang palabas na 'yon, kinikilabutan na ako.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon