"Sige po". Sabi ko at ngumiti sakanya.
Tumayo na kami sa inuupuan namin at naglakad na papunta sa mga ninong ko na kaibigan ni papa.
"Talagang napakaganda nitong batang ito manang mana sa mama nya". Sabi ni Ninong Jeremy.
"Oo nga lalo na pag nakagown!". Sabi pa ng asawa nya.
Tumawa naman sila ng bahagya at tumango din bilang pag sang ayon.
"Nako maganda talaga yang anak ko manang mana sa misis kong pang miss universe ang ganda!". Proud na sabi ni papa habang naka akbay pa kay mama.
Sabay sabay naman nagtawanan ang mga tao dito.
Napangiti ako nang makita ko silang sobrang saya at nagtatawanan.
"Nako beauty and brains yan ah! Laging may awards! Malapit na nga kaming malunod sa medals sa bahay eh!". Nakangiting sabi ni mama.
"Nako ang galing galing naman pala nitong inaanak ko!". Sabi pa ng isang ninong ko.
"Thankyou po hehe". Nahihiyang pasasalamat ko.
Ngumiti naman silang lahat sakin at bumati tsaka pinabalik nako sa inuupuan ko kanina.
Hindi ako masyadong makagalaw dahil sa heels na suot ko ngayon.
•
•
•
•
•
•
After 4 hours
Natapos ang party at nagsiuwian na ang mga tao.
Nagbihis na din ako ng jeans and tshirts at tinanggal na ang make up.
"Bye po! Tita at tito! Happy birthday ulit rylie!". Sabi ni raemin habang nagbeso samin ni mommy.
"Alis na po kami!". Paalam ni Reese.
Nginitian lang sila nila mama at papa at hinintay namin silang sumakay sa kotse.
Humarap sakin sila mama at papa. "Anak nag enjoy kaba?". Tanong ni papa.
"Opo pa sobra po. Thankyou po!". Nakangiti kong sabi at niyakap silang dalawa.
Nagtawanan naman kami bilang simbolo ng tuwa.
"Mabuti naman anak". Nakangiting sabi ni mama. "Mabuti pa umuwi kana at sigurado akong pagod kana.. kailangan mo nang magpahinga". Nakangiting sabi ni mama.
Tumango naman si papa. "Oo nga anak ipapahatid nalang kita sa driver dahil kakausapin pa namin ang organizer ng partt na toh". Sabi nya pa.
Pagod na din ako kaya pumayag nako.
"Sige po magiingat po kayo". Pamamaalam ko.
Bumusina na ang driver ng kotse.
Mabilis kong niyakap sila mama at papa at sumakay na sa passenger seat ng kotse.
"Ma'am andito napo tayo". Sabi ng driver.
Napatingin naman ako sa labas ng kotse at andito na nga kami sa bahay.
"Sige kuya salamat po". Pasasalamat ko at bumaba na.
Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang susi doon. Binuksan ko ang ilaw sa sala at doon nagtunugan ang notification na galing sa cellphone ko.
Malamang sa malamang ay pagbati yan ng mga tao.
Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig at agad na umakyat at pumunta na sa kwarto ko.
Napatalon nalang ako sa kama at binato ang bag sa kung saan man.
Humarap ako sa kaliwang bahagi ng kama ko at umupo.
"Ang saya ng mga tao kanina chilly"
Sabi ko habang hawak ang teddy bear ko.
Pero hindi ako masaya.
Napahinga ako ng malalim at binaba sya sa kama. Naghanda nako para matulog.
Pagtapos kong magbihis at magsipilyo ay nahiga nako sa kama ko at binuksan ang cellphone ko.
1:30am
4:00am ako natutulog kung minsan ay hindi na natutulog.
Pero pagod na pagod ako ngayon kaya't napag desisyonan kong matulog nalang.
Ibinaba ko na ang cellphone ko at natulog na.
•
•
•
•
YOU ARE READING
Given Time
Teen Fiction"ipaglalaban mo padin ba kahit masama ang dulot nito? O isusuko mo na para sa ikakabuti ng taong mahal mo?
Chapter 1
Start from the beginning
