KC's POV.

AGGGGGHHHHHH. Bat ba ako iyak ng iyak? Nakakainis. Para naman akong nawalan ng aso. 

Hindi ko lang talaga matanggap na sila na. Na, mawawalan na ng time sakin si DJ, kasi lahat mapupunta na kay Megan. 

ANG HIRAP NAMAN NG GANITO. "Huuuy Kath, tama naaa." Sambit ni Julia habang hinahagod yung likod ko.

"Hayaan mo na lang Julia, para malabas na niya lahat." Rinig ko namang sabi ni Katsumi.

"Kath, p-lease.." Utal utal na sabi ni JC. Buti pa si JC, si JC na laging nandyan para sakin. Kahit kelan ayan ang lagi kong kasangga sa lahat ng bagay. Lagi niya akong tinutulungan. Hindi niya ako pinapabayaan, minsan nga naiisip ko.. Sana si JC na lang yung naging best friend ko. Yung mga bagay na hindi nagagawa sakin ni DJ, siya lahat ang pumupuna nun. 

"J-JC.. I-i want to go home.." Bulong ko habang nakayuko.

"Wait. Dyan ka lang. Gagawa akong paraan." Sambit niya.

Narinig ko siyang naglakad palayo, sinilip ko siya, kausap niya yung teacher namin. Maya-maya lang, bumalik na siya sa upuan na katabi ko. "Tara na?" Bulong niya.

 

 

 

"Saan?"

"Sa Clinic."

"Pero gusto ko sa bahay"

"Basta, halika na. Ako ng bahala." Tapos hinatak niya na ako. Habang naglalakad kami, iyak lang ako ng iyak. Mukha akong gago. Pero wala akong pakialam.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, napakapit ako kay JC, ewan ko ba, feeling ko nawawalan ako ng lakas, na-a-out of balance ako. "Okay ka lang ba?" He asked.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!