CHAPTER TWO
Grade 6
2008
Exactly February 14
Thursday
Valentines day ngayon! Araw ng mga patay. Patay na patay sa pag ibig. Peste!
Naalala ko pa yung away namin ni Cathy nung nakaraan taon mga around October din yun. Oo tama grade 6 pa ako eh sa tarantado na ako eh. Kalimitang kaibigan ko kasi yung mga pinsan kong highschool, puro sila lalaki. Ako lang nag iisang babae sa pamilya namin.
Crush ko pa naman si Christian Dimagiba. Sa katunayan bibigyan ko pa nga siya ng cake mamaya.
Bumaba ako ng hagdan at humingi ng baon kay mama. Nagpara ako ng tricycle kasi mas gusto ko. Binaba ako nito sa mismong gate ng St. Teresa Catholic School.
Pagbaba ko sa tricycle ay nahagilap ng mga mata ko ang isang kotse na pamilyar sa akin. Kotse ni papa. Bumaba mula rito ang isang babaeng ubod ng kapokpokan. Charot. Bumaba mula sa sasakyan na iyon si Cathy. Pinagbuksan pa nga siya ni papa at hinalikan niya ang pisngi ni papa.
'Bye pa!'
Di ko mapigilang mainggit kay Cathy. Masyadong blessed na sya ah!
"Hey btch! Naiinggit ka no? Poor you!"– sabi nito at inirapan ako. Pinakita ko sakanya kamao ko at tumakbo ito ng mabilis papasok sa paaralan.
Nagkaroon ng program at nanghaharana ang ibang high school students sa kanikanilang crush o jowa. Nakakabitter naman
Nagkaroon din ng iilang booth at kaeekekan dito sa loob ng catholic school.
Naisipan kong puntahan si Christian sa room nila pero wala daw siya doon sabi ng kaklase niya. Nilibot ko ang covered court kung nasaan ang mga booths. Nakita ko si Cathy at Christian sa Wedding booth. Sanaol kinasal
Nang matapos ang pekeng kasalan ay inabangan ko si Christian malapit sa room nila.
"Christian!" –tawag ko dito at lumapit naman siya saakin kasama si Cathy. Linta
"Yes Belle?" –malumanay nitong tanong kaya kinilig naman ako
"Pere seye eh" –sabi ko dito sabay abot ng cake at nagsmile siya. Nag smile siya! Yiiii
"Crush mo ba ako Belle?" –shhhhht
"Halata ba?"
Napatawa siya ng bahagya at hinawi niya ang buhok sa mukha ko. Ahh
"Medyo" –sagot nito at sigurado ako na pulang pula ang mukha ko ngayon dahil sa kilig.
"Baby!" –may sumigaw sa likod nito
"Sorry Belle girlfriend ko na si Cathy. So i can't return the love you're giving me" –malumanay nitong sagot
"Just accept the cake"– nahurt ako ng 15% dun
"Thank you sa cake, kakainin ko to sa bahay"– nginitian ko siya at nagpaalam na.
Paglabas ko sa cubicle ng restroom ay nakita ko si Cathy.
"Di ka ba naiinggit?" –biglang tanong ni Cathy
"Huh?!" –naguguluhan kong sagot
"I mean look at me, I have everything you once had" –bobo din to minsan.
"Pakealam ko?" –sagot ko sakanya at lumabas
Moontanga ang gaga
"Belle!"– someone called at nilingon ko ito. Javier. Ang istupido kong bestfriend.
"Para sa akin ba yang bitbit mo?"– medyo excited kong tanong sakanya. Btw cake hawak niya.
"Di ah! Para kay Cathy to! Crush ko hihi"– peste!
She really is right. Peste!
::::
Requested by: PrpleChnts
Sorry lam mo na module
YOU ARE READING
Allergic to someone named 'Christian'
HumorEverything is enough for me. I don't want more than this. Okay na ako sa pangalang mabantot wag lang ang pangalang may Christian! Takte! mahabaging panginoon! Bakit ayoko? . . . Basahin mo na lang tanga!
