Sa gitna ng katahimikan e may narinig akong tumutugtog ng gitara. Nung una e parang tinatama pa niya ang tono ng gitara.

Hanggang sa dire-diretso siyang tumugtog.


"So marunong pala siya tumugtog?"


May banda kaya siya?


Kung di ako nagkakamali sa kanyang tinutugtog e kanta 'yon ng parokya ni Edgar na halaga.



"Ang galing naman niya."



Pinapakinggan lang 'yon habang nakahiga. Gusto ko din mag guitara. Sana pala e dinala ko yung nasa apartment ko. Nag-aaral kasi ako niyon bago matulog.


"Ang galing walang palya."



Ilang araw nadin pala ang nakakalipas nung magpalitan kami ng sulat nitong kapitbahay ko. Hindi na siya nagreply ulit nung sabihin ko yung title sa kanya.

Sungit!


Hmmm... di ko naman sinasabi na magsulatan kami.


Actually....


Araw-araw ko siyang inaabangan sa bintana. Hindi dahil interesado ako sa kanya. Nahihiwagaan kasi ako sa kanya kung ano ang itsura niya ang ilap e. Aswang ba siya?


Bukod dun e nagtataka ako bakit hindi siya nagbubukas ng ilaw kahit gabi.

Mamaya pala e si James Reid na 'tong kapitbahay ko e di ko alam. Pag si James talaga siya tatalon ako papasok ng kanyang bintana.

Yung papa kasi ni ate Mishileen e may 1/4 Japanese na lahi sa pagkakaalala ko.

Balak ko sana sumilip sa bintana at baka chance ko na makita siya. Pero habang nakikinig ako e di ko namalayan na nakatulog na ako. Ang sarap sa tenga kasi ng tinutugtog niya.



Kinabukasan...



Nakakaumay din pala maging tambay ano?


April 14 pa ang tapos nito. Anong date palang, March 19.

Tumambay ako saking bintana para tignan tignan yung sunset. Mahilig ako magpicture ng scenery. Laman ng instagram ko e puro scenery.


Frustrated photorgrapher ako e.

Umupo ako sa gilid ng aking study table. Kailangan ko ng pang myday at instagram. Ilang araw na akong walang post.

Kinukunan ko ng litrato yung langit nung mapalinga ako sa katapat na bintana.


Bigla kasi bumukas ang ilaw.

"Himala."


Kaso sakto naman e may lalaki doon na tila bagong ligo at nagkukuskos ng twalya sa ulo.

Ulo?


Ahmm... sa buhok.


Buhok ng ulo.


Buhok ng ulo nga ano ba self! Basta sa itaas na ulo! Bastos ka.


Kita ko ang malawak niyang balikat. Ang balat niya e mas lighter ng kaunti kesa sa akin.


Nabigla ako nung lingunin niya ako. Doon e tuluyan ko nakita ang kanyang mukha.


'Oh sht.'



Medyo kita ko ang kabuuan ng kanyang mukha kahit may iilang hibla ng buhok na nakatabon doon.


May katangusan ang kanyang ilong, makapal ang mga kilay, medyo singkit ang mga mata, may kahabaan ang buhok at ang kanyang labi... mapula at may kanipisan.

Waw! Never thought na ganito kalinaw ang mga mata ko.

Napadila siya sa ibabang labi at humakbang palapit sa kanyang bintana.

Nataranta ako lalo na nung kumunot ang noo niyang tumitig sakin. Aalis na sana ako nung mabitawan ko ang cellphone ko.

Napatakip nalang ako ng bibig sa gulat habang pinagmamasdan ang cellphone kong tumama sa mga sanga at dahon ng matataas naming halaman at dinala doon...

sa kabilang bakod.

Waw! Ang galing.

"Cellphone ko."

Hindi ko pa tapos hulugan yan sa globe!

"Are you..."

Aniya kaya nakanganga akong napatitig sa kanya at bakas ang alala sakin mukha. Di ko maisara ang bibig ko sa kabang baka nasira ang phone ko.

...taking pictures of me? Miss?" Tanong niya habang tinitignan akong tila hinuhusgahan niya ang aking pagkatao.

"A-ano?!"taas kilay kong tanong sa kanya at suminghal. "Kapal."

Waw!

Nakakainis ah!

Di ako makapaniwala...

... ang presko, pero gwapo.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Arkisteph

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon