Chapter 6: Emotionally Drained

Začít od začátku
                                    

"Huy Luke, ano bang nangyayare sa'yo?" si Pia . Halata sa mukha niya ang pag alala. Nginitian ko lang siya at tumayo para lumabas. Sinundan ako nito. Tinatawag niya ako pero nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Lunch time na rin kaya dumiretso ako sa food court.

Pagpasok na pagpasok ko ay hindi na ako naging apektado sa maraming matang sumasalubong sa'kin. Agad kong tinungo ang pwesto kung saan lagi nagtatagpo kaming magkakaibigan.

Agad ako umupo at humangalumbaba sa lamesa. Mag isa palang ako dito ngayon at alam kong paparating na si Pia .

"Huuuy!"si Pia. Inaasahan ko na ang inis na ekspresyon sa mukha niya.
Nginitian ko siya.

"Wag mo ako paandaran ng pangiti ngiti mo na iyan Luke, nitong nagdaang araw wala ka sa sarili mo. Anong problema?"
hinihingal na tanong niya.

"Wala nama-"

" Yan. Laging wala . Laging tinatago . Laging ngiti . Laging gusto mapag isa. Laging sinasarili . Lagi. Lagi. Lagi. Lagi. Lintek , lagi ka na lang ba ganyan!?"
Bigla ako naalarma dahil mukhang galit na siya ng tuluyan.

"Alam mo. Ok lang naman sa'kin kung mapagtago at mapaglihim ka. Nirerespeto ko 'yon dahil ganun kang tao. At ayokong kwistiyon ugali mo kung ganyan ka . Pero sana maisip mo kaming mga kaibigan mo. Nag aalala kami sayo. Hindi lahat ng problema ay sinasarili Luke . Minsan kailangan mo rin magbahagi ng tungkol sa'yo. Para naman maramdaman namin na kaibigan mo kami, na may silbi kami, na mahalaga kami sayo. Kasi sa pinapakita mo nakikwistiyon ko sarili ko na kaibigan mo ba talaga ako or just an acquaintance. Hindi ka mag isa para mapag isa. Alam ko napakalalim mong tao pero sinisikap ng iba sa'min na langoyin o hukayin ka," buong lantaran niya. Tuluyan ngang bumagsak mga luha sa mata niya. Ngayon ko lang nakitang ganito mag alala si Pia.

"I'm sorry," tanging nabanggit ko. Mabilis akong tumayo at binigyan siya ng yakap.

Patuloy parin siya pag iyak.

"Sorry din. Nag aalala lang ako. You've been acting weird lately. Yong mga projects mo, requirements mo at iba pang bagay tungkol sa pag aaral ay napapabayaan mo at hindi naaasikaso ng mabuti. Knowing you, hindi ka ganun. Gustong gusto namin na tanongin ka kung ano ba problema pero hindi namin ginawa dahil nirerespeto namin pananahimik mo. Kasi personal na buhay mo yan eh."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Isenentro atensyon ko sa mata niya. Pinalis niya naman ang kanyang luha at isa o dalawang bisis na suminghap.

"Nag iintay kami na makita mo kami at lapitan mo kami. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako pero I feel like I'm useless, that we're useless. Feeling ko hindi kami bahagi ng buhay mo. Feeling ko hindi mo kami kailangan. Feeling ko pinagsisiksikan namin sarili namin sa iyo. I know I should've not thought of these things but I can't help. Intentional man o hindi intentional , pero lumalabas na hindi mo kami kailangan. Alam ko yakang yaka mo sarili mo pero sana kilalanin mo kami bilang kaibigan at hindi kasamahan.Kasi kami kaibigan tingin namin sayo," mahinahon niyang pagkakasabi. Ramdam ko yong pinaghalong sinsiridad at pag aalala niya. Dagdagan mo pa 'yong sakit sa pag aakalang useless siya bilang kaibigan.

Masyado nga ba ako naging madamot sa kanila? Kasama nila ako lagi pero hindi pala sapat na magkasama lang kami. Nakaligtaan kong makipagramdaman. Nirerespeto nila ang pagiging tahimik ko dahil ganun akong klaseng tao, pero nasasaktan silang kinikimkim ko ang lahat sa sarili ko.  May sarili akong mundo at tingin nila hindi sila bahagi nito. Kaya nasasaktan sila ngayon dahil lagi nila kasama presensya ko pero hindi nila ako ramdam.

Dreaming Of You [On Going]Kde žijí příběhy. Začni objevovat