CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY

3.5M 89.5K 73.5K
                                    

DEIB'S POV

This is it! Acquaintance Party na, wooh!

"Noona!" sigaw ko.

"Oh!"

"Ayusin mo nga tong tie ko! Kainis!"

"Hahaha! Stupid! Come here."

Hindi talaga ako matuto tuto mag-ayos ng tie. Badtrip!

"Ayan! Wow! Ang gwapo talaga ng kapatid ko!"

"Tch! Ano pa? Pero kung naging lalaki ka ay mas gwapo ka pa rin! Yun nga lang, kung naging babae ako, mas maganda ako sayo! Hahaha!" Binatukan nya ako. "Aray! Guguluhin mo naman ang buhok ko e!"

"Pinuri ka na nga andami mo pang sinasabi. Mayabang ka talaga!"

"Tch! O sya picturan mo na ako! Alam ko namang gwapong gwapo ka na sakin kaya hindi mo na kailangang sabihin."

"O sige sige, para maipadevelop at matignan kung tatablan ka ng kulam."

"Ang korni mo."

"Dali na!"

Nagpicture picture muna kami para kay Mom.

Tch. Dahil magtatampo yun kung hindi ako nakita kahit sa picture lang kapag may okasyong ganito at ang gwapo gwapo ko. Haha!

Maya maya pa ay paalis na ako.

"Dinala mo ba yung camera mo?" tanong pa ni Noona.

"Oo naman yes."

"Utusan mo na lang sila Tob na picturan ka."

"Oo.. Automatic na yun!" nakangiting sabi ko.

"O sige, mag-enjoy ka. Ingat ah?"

"Oo naman yes!"

Nagfist bump muna kami tapos ay pumunta na ako sa kotse ko.

Dinial ko muna ang number ni Kim.

"Hello Deib?"

"Kim! Papunta na ako dyan!"

"Wow, o sige sige, ingat ka ha?"

"Oo naman yes! Sasagotin mo pa ako e."

"Ikaw talaga. O sige na, I'll wait for you here."

"Sige muah!"

Nagdrive na ako papunta sa kanila at matapos ang kinse minutos na byahe ay nakarating din.

"Wow naman! Nakakainlove naman ang kagwapuhan mo, Deib!" si Keziah. Sya ang nagbukas ng pinto.

"Syempre naman, papapayag ba naman akong pangit ang makaparehas ng prinsesa ko? Where is she?"

"Sus! Kasweetan naman talaga gabing gabi! Nandyan, hinihintay ka na."

Pinatuloy niya ako sa loob. Naroon at naghihintay, dahan dahang humarap sakin si Kim. Napatitig ako sa kaniya habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Para akong natutunaw sa sobrang ganda niya.

"Wow..." hindi makapaniwalang sabi ko.

"Wow! Ang gwapo mo Deib!" salubong nya sa akin. Hindi pa rin ako makapagsalita.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon