Akira's POV

Tahimik kaming kumakain ngayon dito sa cafeteria. Nakakainis!

Simula kagabi ganito na kami. Tahimik, walang kibo, parang wala sa sarili. Aish!

Hindi lang kasi kami makapaniwala na engage kami sa tatlong yun! And take note, sa playboy pa ako na-engaged. Shit lang!

Ayokong nakikitang nasasaktan si Sully. I know she still loves him. I can feel it and I can see it. Hindi ako manhid at mas lalong di ako tanga para di mapansin yun.

"Sully...."

"It's okay, Akira. I'm okay. I understand." sagot niya. Wala pa akong sinasabe may sagot na kaagad siya. Psh.

"UGH! I hate it! Ayoko ng ganito!" Ayan, sumabog na si Candy.

"Bakit pa kasi tayo naengage sa kanila? Sa dinami dami ng business partners ng parents naten ay sila pa talaga ang napili? Like, what the eff?" inis na sabe ni Candy.

"Siguro dahil alam nilang nakarelasyon naten sila noon." sabe ni Sully.

"E bat naman nila tayo pinagpalit palit? Dahil ayaw nila tayong masaktan? Tsk. Sa ginagawa nila.... mas lalo lang tayo nasasaktan." sabe ni Candy. I sighed.

"Wala naman na tayong magagawa e. Once na sinabe nila... yun na. We cannot stop them. Gagawin nila ang gusto nila. Kahit pa sila na ang mismong kumontrol sa buhay naten." mahinahon kong sabe.

Kung inaakala niyong masarap maging mayaman ay nagkakamali kayo. Mahirap din maging mayaman.

Marami kang kailangang sundin. Kailangan mong atupagin ang business niyo. Kailangan mo maging perfect.

Lahat ng yun.... mahirap gawin. Mas lalo na ang maging perfect. Iniisip ko na nga lang minsan, mas masaya kaya ang mamuhay lang ng normal. Yung average kung baga.

"This is a pain in the ass." sabe ni Candy habang nakahalumbaba sa table.

"Yes it is." sabay namin sabe ni Sully. Sabay sabay din kaming bumuntong hininga.

Kaya mahirap kapag nakauwi ang parents namin. Wala kaming freedom.

Jiro's POV

"Aish. Bat naengage pa ako kay Akira? Grabe! Nakakatakot pa naman yung babae na yun." sabe ni Rain. Tsk.

Bat kasi sa tatlong yun e kay Candy pa ako napartner? Pwede namang kay Akira nalang.

E arte pa naman nung si Candy. Playgirl pa. Psh.

"Di lang ikaw namomoblema sa engagement na yan. Ikaw kaya ipartner kay Sully, na walang ginawa kung di magbasa at tumahimik. Hirap kaya nun, bro." sabe ni Lucas.

"Mas okay naman yun kesa sa maarte at maingay." sabe ko. Tinignan naman ako ng masama ni Lucas.

"No offense, bro. Aminin mo man o hindi, talagang maarte at maingay si Candy." sabe ko. Napaiwas nalang siya ng tingin.

"Hay..." sabay sabay kaming bumuntong hininga.

"Hindi na ba naten pwede pakiusapan ang parents naten?" tanong ni Lucas.

"Na alin? Ipalit ang partners o itigil ang engagement?" tanong ni Rain.

"Palit ang partners? Opportunity na din naten to para makasama yung tatlo. Pero... mas maganda na din na hilingin naten na wag na ituloy ang engagement. Alam ko naman na ayaw talaga nung tatlo na ma-engage satin." sabe ni Lucas.

Naalala ko tuloy si Akira... ano nga kaya ang gagawin niya tungkol dito? Magdedemand ba siya sa parents niya na wag na ituloy?

Pero imposible yun. Naalala ko pa noon, once na nakapag decide na ang parents niya yun na yun. Miracle nalang kung magbago pa ang isip nila.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!