"In the first place, why are you playing badminton young lady? You know you are not allow to play that! You are not allowed to get tired!" Asthma kaya ang sakit ni Paige? Di'ba bawal din mapagod ang mga may asthma? Ahh! Baka asthma nga.

"But it's our practical exam! so I need to do it just like the others." mahinahon na paliwanag ni Paige.

"Lame excuse young lady you know you can be exempted in playing that! You just need to give your professor for medical permit or I can tell them myself Paige. My point is you don't need to do that." Sa tingin ko hindi na kailangan ng presensya ko dito at kailangan ko ng umalis para mabigyan ng privacy silang mag-ina.

"Ehem..." kunwaring ubo ko para makuha ang atensyon nila.

"Uhmm Paige una na ako, ako na lang ang bahala mag explain sa mga prof mo bakit di ka nakapasok." pag-papaalam ko sa kanya, mukhang ayos na din naman sya.

Binaling ko naman ang tingin ko sa nanay ni Paige "Una na po ako ma'am."

Hindi nagsalita ang nanay ni Paige at tinitigan nya lang ako kaya napagdisisyunan ko na lumabas na lang ng kwarto ni Paige.

Sa third floor ang room ni Paige at nasa ground floor na ako ng hospital ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. "BENJAMIN!"

Hinanap ko kaagad yung tumawag sakin at hindi ko ineexpect na yung nanay pala ni Paige ang sumigaw.

"Ako po?" tanong ko sa nanay ni Paige habang nakaturo sa sarili ko.

"You're name is Benjamin right?" tanong nya ng makalapit sya sakin. Paano nya nalaman ang pangalan ko? Siguro sinabi ni Paige.

"Ako nga po yun." magalang na sagot.

"Can I have a minute with you? I just need to tell you something very important." seryosong sabi nya. Bigla naman ako kinabahan dun sa importanteng sasabihin nya sakin. Ano kaya yun?

"Uhmm... sure po." Hindi ko na lang aattendan ang isang subject ko ngayon mukha kasing napakahalaga ng sasabihin nya sakin.

"Thank you iho! Just wait me in the coffee shop besides the hospital, I'll just wait for my husband to arrive para may kasama si Paige sa room nya. Don't worry it won't take long." bumalik naulit sya room ni Paige para hintayin ang kanyang asawa samantalang pumunta na ako sa sinabing nyang coffee shop.

After five minutes dumating na sa coffee shop ang nanay ni Paige. Tinaas ko ang kamay ko para makita nya ako at ng mapansin nya iyon ay agad naman syang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Do you want coffee, tea or something?" tanong nya sakin habang nakatingin sa menu list sa harapan nya.

"No, thanks ma'am. I'm still full pa na po." mabilis na sagot

"Just one brewed coffee please." pagkasulat ng waitress sa order nya ay umalis din kaagad ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na ulit ang waitress sa table namin kasama ang brewed coffee na inoder nya.

"So you're the Great Benjamin De Ocampo." nakangiting sabi nya sakin habang simisipsip sa kape nya. The Great?

I am courted by a GHOST! ON-HOLDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن