"Parang baliw talaga 'to." aniya.


"Anong baliw doon. Masama ba magpakilala ng katrabaho. O sige na. Bye na ingat ka ha."


"Sige. See you soon."


Ngiting ngiti akong nakatingin kay mama habang papalapit upang buksan ang gate. Nakangiti din siya sakin. Binitawan ko ang maleta ko at aambang yayakap sa kanya.


"I miss you ma-" 


"Opps!" aniya at lumayo sakin. Nanatiling nakataas ang kamay ko sa ere.


"Social distancing anak. Galing ka sa Manila so... ligo muna. Ready na pampaligo mo." sabay pasok niya ng bahay.


Hala di ako tinulungan sa dala ko. Ilang buwan ako di umuwi... feeling ko di niya ko namiss. Sabaga, social distancing nga naman.


"And lahat ng damit mo pala, pakilagay sa likod bahay para malabhan. Pati 'yang suot mo pati sapatos. Okay." sabi niya pagsilip ulit ng pinto. Sumenyas siya na sa service door ako dumaan.


Pagkatapos ko asikasuhin ang gamit ko at linisin ang sarili ay nakatulog ako sa kwarto ko na basa pa ang buhok ko. Sobrang pagod lang at hindi ko namalayang nakatulog ako, sabi ko lang ay hihiga lang ako saglit. 


Hindi ko pa nabati sila papa at kuya ko dahil tulog sila ng dumating ako. 


Gabi na ng gumising ako at sakto pagbaba ko ay dinner na.


"Wow galing talaga sana man lang nag-wait ka kahit 5 minutes bago bumaba. Lakas ng pang amoy mo baboy." bungad sakin ng kuya ko na nag-aayos ng mga plato sa mesa. Alaskador talaga 'to.


Di ako umimik dahil kagigising ko lang, mamaya ka sakin.


"Oh anak kamusta na? Buti nakauwi ka agad dito bago maglockdown." sabi ni papa at umupo na sa dining.


"Community quarantine po pa." ani ko at umupo sa tapat ng may bakanteng plato. Nang mapagtanto ko na wala akong katabi sa parehas na side.


Napatingin ako sa kanilang tatlo na magkakatabi doon sa kabilang dulo ng mesa. Si Papa ang nasa kabisera at nasa gilid niya si mama at kuya. Animan kasi ang upuan sa dining. Hinayaan ko nalang at kumain din.


"Ang sarap namiss ko luto mo ma." puri ko at hinihimas ang aking tyan.


Halos tatlong buwan ako di nakauwi dito. Umuuwi kasi ako dito dalawang beses kada isang buwan. Masyado ako naging abala nitong mga nakaraan.


Naikwento ko nadin sa kanila ang tungkol sa trabaho ko na mag-aantay pa kami ulit ng announcement ng aming boss.


"Oh maghugas ka na." utos ni kuya at aambang tatapikin ako nung natigilan siya. "Ay baka may virus." sabay layo sakin.

"Luh epal ka." 

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon