A day before the accident:
"La, alis na po 'ko!" nagmamadali niyang isinuot ang sapatos niya at inayos ang uniform.Dahil wala naman silang pe class, ang regular na uniform ang sinuot niya ngayon: brown plaid skirt na above the knee at white long sleeves na blouse na pinartneran ng brown tie.
"Nesse, sandali!" medyo hinihingal na inabot ng matanda ang perang baon ni Lynesse.
"Muntik mo na namang makalimutan yang baon mo"
"Ay! Thank you La" hinalikan ni Lynesse ang pisngi ng kanyang Lola bago tumakbo palabas ng kanilang bahay.
^^^
"Mom, magsstay ako kaila Naomi tomorrow night" Scarlett lazily said to her mom as she sat down to eat breakfast
"Sleepover na naman with Naomi?" her mom said without breaking a glance sa kanyang laptop. Scarlett nodded and muttered a yes.
"I guess you two are inseparable. I'm fine with it, you can stay at Naomi's tomorrow night. She's a sweet and nice girl, I'm glad you're spending time with people like her" That's what she knows
"Thanks mom" pilit na itinago ng dalaga ang excitement niya.
"You're welcome, just don't forget my rules honey" her mom said
"Yes mom" nginitian niya ang kanyang nanay pero kita niyang nakatuon pa rin ang atensyon nito sa kanyang laptop. Scarlett's mom had been as workaholic as ever mula nung namatay ang dad niya. She may not have her mom's attention dahil dito, she gets to experience a luxurious life that most envies.
"I'm off to school" pagkakain niya ay kinuha na niya ang kanyang bag at nagpaalam na sa kanyang nanay.
"Study hard honey! And manong, as always, please drive her safely to school" pahabol pa na sabi ng kanyang magulang.
"Yes, ma'am" sagot ng driver at pinagbuksan ng pinto si Scarlett.
Nakadungaw sa labas ng sasakyan ang dalaga nang naalala niya ang kanilang plano bukas. Hindi naman talaga siya mag-iisleepover kaila Naomi. She just made an excuse. Though hindi payag si Naomi, wala siyang magagawa dahil siya ang laging dapat na masusunod. Balak nilang magkakaibigan na magclub bukas. They've been wanting to go to clubs ever since they finished junior high pero dahil wala pa sila sa tamang edad ay bawal pa sila sa mga gantong bagay. Pero dahil nabigyan sila ng pagkakataon dahil sa kaibigan nila, hindi nila 'to palalagpasin pa.
Lynesse's POV:
Time check pagkadating ko ng school: 7:25 AM. Hingal na hingal man, at least di ko na kailangang tumakbo papunta sa classroom. Btw, I'm Lynesse Magdrigal, 17 years old at nasa 11th grade na nag-aaral dito sa Queensace University, one of the most prestigious universities dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung kung bakit nag-insist talaga si Lola na dito ako lumipat kahit alam naman namin na di biro ang tuition fee dito. Pero sa 3 months na pag-aaral ko dito, I can clearly see all the reasons why.
"Nesse!" naramdaman ko na naman ang braso niya sa balikat ko.
"Gusto mo ba ng issue ha?" medyo naiinis kong sabi kay Johann. I was bestfriends with him since 7th grade at nung nalaman niya na lilipat ako dito, sinundan niya ako.
"Issue? Sanay naman na yung mga andito na makita tayong laging ganto" pagkatapos ng ilang pilit na pag-aalis sa braso niya sa balikat ko ay nag give up na lang ako. Kaya heto kami naglalakad, sumakay sa elevator, at pinagtitinginan ng mga kasabay namin sa elevator.
"Sinabayan mo na naman ba yung oras ng pagdating ko para makasama ako ngayong umaga?" nang-aasar na sabi niya sakin. Kahit di ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong nakangisi rin siya ngayon. Binigyan ako ng weird looks ng mga kasabay namin. I hate you Johann.
BINABASA MO ANG
Switched
General Fiction"You choose, be sent to paradise or continue living in this world"
