CHAPTER 1: Ang Awit Natin

11.8K 449 70
                                    

CHAPTER 1: Ang Awit Natin


"Ngayon ay aking aaminin

Sa isip nalang kita makaka-piling

Tuwing maririnig ang awit natin."

- Ang Awit Natin by Janine Tenoso


"Ready to go?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Dash habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Who would've thought that Dash Reyes, my best friend's other best friend, will be a huge part of my new life here in Baguio.

Kung hindi dahil sa kanya at kay Hiro, hindi ko alam kung saan kami pupulutin ni Ara noong naglayas kami 4 years ago.

"Hindi pa." Sinuklian ko ito ng ngiti at sinenyasan siyang pumasok.

Gustuhin ko man siyang salubungin at papasukin ay mas pinili kong manatili sa sahig sa tapat ng maleta ko at ng mga nagkalat kong gamit.

Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto dahil sa pagiging busy ko sa pag-eempake. Ayoko rin talagang umalis dito dahil alam kong pipigilan ako ng mga kasama ko sa bahay na ito. Hindi nila gustong ipagpatuloy ko ang aking pinaplano.

Naiintindihan ko naman sila. Pero buo na ang desisyon ko at wala nang makakapigil sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagtutupi ng mga damit na dadalhin ko habang naghahanap siya ng kumportableng pwesto sa kama ko na mauupuan. At dahil alam kong susubukan niya rin akong pigilan, mas pinili kong tumahimik at hintayin niyang magsalita. May karapatan naman siyang gawin ito dahil isa siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.

"Hindi ka na talaga mapipigilan?" tanong nito.

Nagkibit-balikat ako. "I have to do this, Dash."

Ilang beses ko na in-explain sa kanilang lahat na buo at final na ang decision ko. Hindi pa rin sila natitinag na pigilan ako. Lahat naman kami takot sa pwedeng mangyari, lalo na ako. Pero mas natatakot ako na kapag hindi ko ginawa ito, mas lalong hindi magiging maganda ang mangyayari sa huli.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "Alam ko... But have we really exhausted all other options?"

Tumigil ako sa aking ginagawa.

"Alam ko kung saan ka nanggagaling. Trust me, I'm scared myself," mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanyna. Inilapag ko ang aking tinuping damit sa loob ng maleta bago itinuon ang buong atensyon ko sa kanya. "Dash, kung ito 'yung simple at mabilis na paraan para maging okay ang lahat, hindi ba dapat ito ang dapat gawin ko kaagad?"

Why prolong the agony if the answer is right there?

Umiwas siya ng tingin sa akin at itinuon ito sa maliit na katawan na natutulog sa aking kama. "She wouldn't like this," narinig kong bulong niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. My best friend, Sahara Israel, wouldn't like this. Pero susuportahan niya pa rin ako kahit na labag sa kalooban niya.

She doesn't have to like every single thing I do, she just needs to trust me.

Our friendship was tested 4 years ago and we vowed to trust each other no matter what... and to respect each other's choices, as well. Hindi na rin kami nagtatago sa isa't isa kaya alam namin kung ano ang mga dahilan sa likod ng mga pinili naming mga desisyon.

His Forever GirlWhere stories live. Discover now