21 "New Found Friend"

46.2K 910 76
                                                  

21

"New Found Friend"

Medyo napuyat ako kagabi dahil sa bonding namin ni papa habang nagiimpake ng mga gamit. Mga damit lang naman at ilang mga gamit ang dadalhin namin. Ang ibang mga gamit kasi sa bahay ay kasama na sa pinapaupahan.

Mabuti hindi ako na-late sa klase ni sir Von. Medyo inaantok ako sa klase nya, bukod kasi sa puyat na 'ko eh absent pa si Cliff. Bakit kaya sya absent? Boring tuloy.

After ng class hindi ko alam kung san pupunta. Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Katy.

"Hey Torrence." Masiglang bati ni Katy.

"Hi." Yun lang ang nasabi ko. Ewan ko, parang wala ako sa mood. Parang nanghihina ako na hindi ko maintindihan.

"Hmmmm. Mukhang wala ka sa mood today. I wonder why?" Pang-aasar ni Katy habang tinititigan ako sa mukha.

"Ano? Puyat lang ako. Yun lang." Naglakad na ako ulit.

Naiwan si Katy na nagtetext. Lumingon pa ako sa kanya habang naglalakad.

"Bes ano? Di ba vacant ka naman nga─" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi may nabangga ako.

"Ouch!" Sigaw nung nakabangga ko. Sa boses palang nya at arte sa pagsigaw halatang babae sya.

Humarap agad ako sa kanya para magsorry. Ang mga epal girls pala ang nabangga ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Ayokong mapa-trouble kaya nagsorry na ako.

Nagbulungan ang mga kasama nyang nasa likod.

"Look where you're going stupid!" Sabay tulak sa'kin.

Medyo napaatras naman ako. "Nagsorry na nga ako di ba?"

"Woah! I bet you don't know me." Lumingon sya sa mga kasama nya at sabay-sabay silang nagtawanan.

Nag-isip ako sandali at tinitigan ko sya habang tumatawa. "Sino ka ba?"

Biglang nagbago yung facial expression nung babae. Lumapit sya sa'kin at inilapit pa yung mukha nya sa mukha ko.

"I'm the most popular student here tapos hindi mo ko kilala. Well then let me introduce myself." Umikot-ikot pa sya na parang nagmomodel or what pero para syang baliw. Tumigil sya at nagpose sabay lapit ulit sa'kin. "I'm Margarette Zetto. Remember my name. Okay?"

Remember her name daw? Bakit kaya? Bago pa ko makapagsalita tumalikod na sya at bumalik sa mga kasama nya. Bigla naman akong tinawag ni Katy from behind.

"Torrence, is everything okay?" Papalapit sya sa'kin.

"Oo." Sagot ko kay bes.

Biglang tumigil at bumalik ang epal girls. Hindi ko alam pero biglang sumama yung tingin nilang lahat sa'kin.

"Bakit?" Medyo napapaatras na ako.

"Torrence? You are Torrence?" At dahan-dahan syang lumalapit sa'kin. Parang galit sya pero hindi ko alam kung bakit. Tumango lang ako.

"So what kung sya si Torrence? May problema ba dun Margarette?" Pagtatanggol ni Katy sa'kin.

"Shut up you inciting pity auspicious fauna! I'm not talking to you."

Hinawakan ko agad si Katy kasi parang sasaktan na nya si Margarette. "Bes cool ka lang. Nabangga ko kasi sya kanina, ako na ang bahala."

"Margarette, nagsorry na ko di ba? Ano pa bang problema?" Mahinahon kong sabi.

"You! It's all your fault kung bakit suspended si Cliff sa basketball team!"

Nagulat ako sa sinabi nya. Si Cliff suspended? Dahil ba dun sa nangyari sa court? Malamang yun na nga yun. Para akong nabingi. Parang wala na akong marinig. Nakikita ko si Margarette na nagsasalita pero hindi ko sya naririnig.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon