chapter 9

180 6 3
                                    

"i said, maghanap ka ng BF mo. hindi manligaw! baka nakakalimutan mo na kung san ka family galin at kung ano ka? ikaw lang naman ang heiress ng Gosiaco Family, ang isa sa pinakamayaman at pinakakilalang family sa buong bansa!"

andito ako ngayon sa kwarto ni kuya. pinatawag na naman ako eh.

akala ko naman kung anong importanteng bagay. well, akala lang naman.

"pero that's my way of having a boyfriend kuya!"

"ang manligaw sa lalaki?? you're crazy."

"no i'm not."

"yes you are. ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakita sayo habang nanliligaw ka sa kung sino mang Poncio Pilato na yun?"

"ano naman sa kanila?"

nasapo na lang ni kuya yung noo niya. hala? nainis ko ata. :)

"ayaw mo talaga papigil no? bahala ka na nga. pero once na malaman ni Daddy yan lagot ka sakanya pati yang nililigawan mo."

si daddy? oh well . ano pa bang maaasahan ko sa ganun ka-istriktong Ama?

"where's dad by the way?"

"may business trip sa London."

wala na naman siya?

"haaay, bakit parang feeling ko ang layo sa akin ni dad?"

"natural nasa London siya eh."

"abno. hindi yun kuya. i mean, yung loob niya, malayo sa akin. you know that.."

natahimik si Kuya. parang ang lalim ng iniisip.

"anong iniisip mo kuya?"

"a-ah w-wala. sige na bumalik ka na sa room mo."

ano naman kayang meron dun? yung expression niya parang... lumungkot?

----------------

nyaks. sabi ko matutulog ako ng bonggang-bongga ngayon eh.

kaso di naman ako makatulog. nawala na yung antok ko. wala akong magawa. ano bang pwede?

.

.

.

.

ting! alam ko na! :))

------------

[charles]

ding dong ding dong ding dong ding dong 

makapag-doorbell naman 'to. sino naman kaya yun??

guess what kung sino ang napagbuksan ko?

ang dakila kong manliligaw.

"9pm na manliligaw ka pa rin?" tanong ko sakanya.

"eh wala akong magawa eh."

"pwes ako meron."

meron nga ba? nanunuod lang naman ako ng tv kanina bago siya nambulabog eh.

"ano?"

"nagawa ng assignments."

kasinungalingan. haha

"eeeeeeh! wag na muna yan. tara gala tayo!"

"gabi na kaya! tsaka bakit hindi si Lance ang ayain mo?"

"tulog na yun ngayon. dali na pls. pls. pls??"

ang kulit talaga netong babaeng 'to.

sa bandang huli eh napapayag din niya ako. kung ano-anong death threats sinabi sa akin eh. 

meant to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon