Simula

29 2 0
                                        

*tunog ng bell*

"Okay you may now take your break" sabi ng aking guro sa history na si sir. Mezo

Katulad dati ay hindi nanaman ako nakinig sa itinuro ng aking guro. Para saan pa eh nag advance reading na ako nung mga nakaraang araw.

Niligpit ko na ang aking gamit at naglakad na papunta sa parang park ng school na ito.

Pero to be honest hindi siya boring mag turo tulad ng ibang guro sa kasaysayan. Sadyang ayaw ko lang makinig sa lesson niya ngayong araw.

Isa akong scholar dito sa University of San Angelo, 4th year high school student. Konti lang ang kaibigan ko dahil hindi ko alam kung bakit ah basta yun.

"Miss saan dito yung music room?" Tanong ng isang lalaki. Siguro ay bago siya dito.

Hindi ko siya pinansin at inilagay ang aking earphone sa aking tenga. Malay mo di pala ako yung kinausap ni kuyang di ko naman kilala.

Nagulat ako ng biglang may humatak ng earphone ko at librong hawak.

"Ano ba?" Hindi ko napigilang mairita sa ginawa niya. Kasi naman hindi panga natunog yung earphone hinatak na kaagad.

"Kasi an-" hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil may tumawag sa akin.

"Artemis! Tawag ka ni Sir Mezo may ipapagawa ata sayo bilisan mo daw." Hingal na sabi ni Sarah.

Kinabahan naman ako kaya agad kong kinuha ang gamit ko at naglakad paalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humawak sa braso ko.

"Sandali lang..." sabi nung lalaki sa akin

Natigilan ako at napatingin sa kamay niyang naka hawak sa aking braso... Imbis na tanggalin ang kamay niya ay na patingin ako sa mukha niya at napansin kong may kamukha siya.

Binitawan niya na ako at pumunta na ako sa faculty room.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Good morning po." bati ko sa ibang guro na nandun. Nginitian naman nila ako.

"Good morning po sir. Mezo, may kasalanan po ba ako?" Tanong ko na medyo kinakabahan.

"As you can see I want you to tell a story tommorow in class any story about greek mythology yun kasi ang next lesson natin." Sabi ng aking guro.

"Okay po sir." Magalang kong sabi.

"And by the way tell your classmates na pwede na kayong umuwi may faculty meeting mamaya at in-advice ng principal na pauwiin na ang mga students." Nagmamadaling sabi ng aking guro.

"Sige po sir, una na po ako salamat po" magalang na sabi ko at lumabas na ng faculty room.

Ano bayan napag utusan pa ako nakakatamad na kayang pabalik balik. Wala din naman akong magagawa kundi gawin yun.

Nagmadali na akong bumalik sa classroom at nakitang konti na lang ang tao.

"O Art ano pang ginagawa mo hindi mo pa ba alam na wala na tayong klase? Narinig kasi namin kanina dun sa kabilang classroom." Sabi ng matalik na kaibigan ko na si Ara

Chismis nga naman. Naupo muna ako saglit dahil sa pagod at chineck kung anong oras na.

Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin.

"Teh pagod na pagod ka ata anyare?" Tanong ni Ara

Hindi ko nalang siya pinansin at inaya na umuwi nalang. Hindi naman ganun kalayo ang bahay namin sa school kaya hindi ako nahirapan.

Simple lang ang bahay namin tatlong palapag ito at di ganun kalaki at di rin maliit.
Binuksan ko na ang gate at sinara ito ng mabuti.

Nadatnan ko ang aking ate na nag kakalikot sa laptop niya college student na siya at nag aaral ng tourism isang taon nalang at gagraduate na siya.

Hindi tulad ko na scholar si ate dahil kaya naman naming bayaran ang tuition ng school na pinapasukan niya.

Sadyang pinili ko lang maging scholar para hindi na gumastos si mama sa akin.

"Ate nasaan si mama" tanong ko sa kanya pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Nasa opisina siya." Sagot nito sa akin

Tumango nalang ako at pumasok sa aking silid. Nagpalit ako ng damit at umupo sa gilid ng kama.

Nasagi ng mata ko ang isang larawan.

Larawan ito noong ako ay 1 year old. Kasama ko ang aking ama na isang beses sa isag buwan ko lamang makita.

Naalala ko na may iba na itong kinakasama at masaya na siya sa kanyang buhay. Kwento ni mama na 3 buwan pa lamang ako sa tyan niya ng mangaliwa ito.

At halos magpakamatay na si mama dahil sa nangyare. Hindi pa daw kasi sila handa na mag karuon pa ng isang anak dahil sa kakulangan sa pera nung nagkasakit si ate. Kaso dumating ako agad.

Naramdaman ko na lang na tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko.

Inayos ko yung sarili ko at naghanda na para pumunta sa malapit na internet cafe samin. Dinala ko ang laptop ko at ang iba pang bagay na kakailanganin ko.

Wala pang ilang minuto ng makarating ako.
Umupo ako malapit sa bintana at nag order ng iced latte.

Nag-check muna ako ng aking mga social media at wala namang bago.
Naalala ko yung dahilan kung bakit ako nandito.

Nag-search ako ng nag search para sa story ko bukas. Hindi naman ako nahirapan dahil medyo familiar na sakin ang Greek mythology.

Ilang sandali pa ay natapos na ako at tumingin sa kawalan. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Ara.

"O teh ano na kamusta kana nasa mundo kana ba ulit?" Natatawang tanong nito sa akin.

"Ano kaba wala lang ako sa mood kanina." Sagot ko sa kaniya.

"So eto na nga may surprise ako sayo bukas" excited na sabi niya

Mamaya kung anong kalokohan nanaman ang gawin nito sakin. Pano ba naman last time tinago niya yung cellphone ko at uwian na binalik.

"Ano nanaman bayan?" naiinis na tanong ko sa kaniya

"Basta makikita mo rin siya bukas." Natatawang sabi niya at binaba na ang tawag.

May kaibigan talaga tayo na minsan di natin alam kung nababaliw na o baliw na talaga eh. Napa-iling nalang ako sa naisip ko

Na-patingin ako sa aking laptop at nakitang nasa ibang partr na ako sa binabasa ko kanina. Siguro ay napindot ko nung nagulat ako sa tunong ng telepono.

Binasa ko ang nakasulat.

"Magnus is a boy's name of Latin origin meaning "greatest". Also known as the god of magic and one of the Original Spirits." Basa ko sa naka lagay sa site na ito.

"Magnus anong ginagawa mo dito?" Malakas na sabi ng kung sino.

Na-palingon ako pero lalaking tumatakbo papunta sa pinto na lamang ang nakita ko.

What a coincidence sakto pa talaga na ka pangalan niya si Magnus na god of magic keme. Interesting sino kaya yun. Medyo familiar siya sa akin.

Nagulat ako ng biglang tumunog yung cellphone ko at may nag text na number lang.

Unknown:
Hi Artemis Jaione Avellaneda

Natulala nalang ako sa kawalan kakaisip kung sino yun.




_____________________________________

Etooo na nag-simula naaa sorry kung medyo hindi niyo magustuhan pwede pa naman mag back out
Hehehehe
Hindi ko muna ipopost yung unang chapter... Wala pa naman akong readersss😆

Stay safe everyone and please always pray🙏

Thank you...

UNTIL NEXT TIMEWhere stories live. Discover now