“Aba, I smell something fishy.”
Sumisinghot na bungad ni Timothee pagkabalik namin sa resort. Mapang-asar na nakatingin na din sa amin sina Hilary at ang iba pa, nakakahiya. Briel was quick to let go of my hand na kanina niya pa hinahawakan habang pabalik kami ng resort. Napabuntong hininga nalang tuloy ako.
“Hininga mo 'yan, bwisit ka.” Sabay batok ko sa kanya nang makalapit kami. Timothee glared at me kaya sabay kaming napatawa ni Briel. Nang magkatinginan kami ay kapwa ulit kami natawa. Nababaliw na yata kami.
“Pero may point si kumareng, Tim.” Singit ni Hilary saka umakbay kay Tim na agad namang nagreklamo. “May something sa inyong dalawa. Damang dama ko.”
“Jusko kinikilabutan ako. Kayo na ba?” Singit ulit ni Tim. Bakit ba ang chismosa ng baklang 'to? Briel coughed saka nag-iwas ng tingin.
“I-I should go grab my stuffs, excuse me.” Sabi niya pa saka lumapit kay Penny na siyang nag-impake na ng gamit ni Briel na sinundan naman ni Hilary, halatang nang-chichismis padin. Sinundan ko nalang sila ng tingin. Muntik pa itong madapa papalapit kaya 'di ko maiwasang matawa ulit.
“Mujer, so totoo nga?”
Nakaramdam ako ng sundot sa pisnge ko. Paglingon ko ay muka agad ni Timothee ang bumungad sa akin. Nakakunot ang noo niya habang ang daliri niya naman ay sinusundot ang pisnge kong nakangiti parin.
“Wala,” Winaksi ko ang kamay niya at binitbit ang bag ko palapit ng bus. Nakasunod padin sa akin si Timothee na parang aso bwisit.
“Ha? Anong wala? Sabay na nawala kaninang madaling araw, tapos susulpot na magka-holding hands? Tapos wala? Girl 'wag ako!” Pangungulit pa nito.
“Ano bang gusto mong marinig? Na kami na ni Briel?”
“Talaga? Kayo na?!” He squealed so I instantly covered his filthy mouth with my hands. Ang ingay, buti sana kung totoo.
“I was being sarcastic, Timothee.” Binitawan ko na siya at sinamaan ng tingin. Buti nalang talaga busy ang mga tao sa pag-aayos ng kanya kanyang gamit nila. Walang nakapansin sa pag-iingay kanina ni Tim.
“Sabihin mo na kasi gaga. Kayo na?” Sabay lapit ng muka niya sa muka ko. I supressed a smile saka napakamot ulit sa leeg. Bwisit.
“N-Nililigawan ko palang.” Then I shoved Timothee's face away from my face hoping na hindi niya makita ang ngiti na kumawala sa kabi ko. Pero dahil sadyang chismosa ang bakla, napansin niya parin.
“Omg I cannot! Nasa tuwid na daan kana? Jusko, 'di ko alam kung matutuwa ako o ano. Lalaki kana ba?” Pang-uusisa pa nito.
I shrugged. “Malay ko ba.”
“Pero gusto mo?”
Napatahimik ako. Lalaki na ba ako? O bakla padin? Ang gulo naman. I sighed saka hinarap ang mapanuring tingin ni Timothee.
“I'm not sure. Basta ngayon, sigurado palang ako na mahal ko si Briel.” Sabay ngiti ko sa kanya. The gay squealed again kaya napailing iling nalang ako at umirap. Ang arte talaga.
“Jusko pero paano si Kean?”
Pareho kaming natigilan at nagsukatan ng tingin. Nag-usap naman na kami ni Kean, so there should not be any problem right?

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.