Uupo ka pa ba?

Magsimula sa umpisa
                                    

Isa isa na sila pinapa upo , na una si Ebby siya ang leader sa group nila at siya ang nangunguna at ang mas nananakit sa akin, sumunod si Jason pag katapos sunod sunod na sila pina upo. Wala pang nang yayari ay nakita ko si Andrea sa bintana at sumisilip nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi na ako nag salita pa at ako ay ngumiti na lamang. Kitang kita ang saya na aking nararamdaman, saya na galing sa sakit na nararamdaman ng mga bully. Nakikita ko na hindi matigil ang pag nginig ni Andrea kahit na nasa labas lang siya. Bigla kong naisip, Ganito na ba ako? Sino na ba ako ngayon?

( Kinabukasan )

Teacher: Absent ngayon sina Karlo, Jason , Adie at Bek. Na aksidente silang lahat habang nag lalakad pa uwi ligtas naman sila mga sugat at pasa ang kanilang mga nakuwa pero si Jason ay mapuputulan ng kamay dahil nadaganan ng gulong ng truck ang kamay niya. Tapos si Ebby naman ayy..

Class pres: Ano po nangyari kay Ebby?

Teacher: Kasama rin siya na na aksidente ngunit hindi na siya nakaligtas, sabi nila siya daw ang pinaka nasugatan makikita mo ang kanyang laman loob at ang buong katawan niya ay talagang flat nadaganan siya ng husto kaya hindi na siya nabuhay. It seems na hindi na muli siyang makakapasok sa school na ito.

Tumingin sa akin si Andrea at may pinasang papel,

Mamayang uwian sa likod ng school mag kita tayo, may gusto akong sabihin sayo.

Itatanong niya kaya tungkol kila ebby? Wala akong ginawang masama nanood lang ako sa pag mamakaawa nila.

(Uwian )

Andrea: Lovi, bakit mo hinayaan pa upuin ni pres. sila Ebby sa upuan?

Lovi: Wala na akong pake ilam sa kanila, at dapat lang sa kanila yun noh.

Andrea: Ikaw buhay pa eh si ebby patay na, hindi ka ba naaawa sa kanya. Tyaka hindi pa ba sapat na nandito ako?

Lovi: Wala ka nang paki elam! ( sabay tulak kay Andrea )

Class pres: Bakit mo tinulak si Andrea?

Kinakabahan ako dahil nakita ako ni president natatakot ako baka pa upuin ako sa upuan.

Lovi: ah class pres wala po, na dulas lang po si Andrea tutulungan ko lang po siya.

Class pres: Hindi! kita ng dalawa kong mata tinulak mo si Andrea! Kailangan kang parusahan! Ervic dalhin siya sa classroom at pa upuin!

Sinusubukan kong tumakas pumapalag ako ginagawa ko lahat ng makakaya ko para makawala pero hindi, hindi ko kaya. Humigpit pa ang hawak nila Ervic sa akin, Aray! ang sakit. Napapa iyak na ako hindi ko na alam ang gagawin ko humihingi na ako ng tulong kay Andrea. Pumasok na kami sa classroom at lahat ng classmate ko ay nasa upuan nila tuwang tuwa sa kanilang nakikita naaaliw sa pagmumukha ko na halata ang sakit na nararamdaman ko. Naririnig ko ang bawat palo nila sa upuan at bawat sigaw nila ang sabi nila:

Class: Sit! Sit! Sit! Upo! Upo! Upo! KILL! KILL! KILL! (bang ! bang ! bang !)

Natatakot ako ayokong umupo! bakit ba ganito ang buhay ko kahit ano walang nangyaring maganda! bakit ganito ba lagi!

Lovi: Wag! WAg! Andrea! tulong! Sorry! Di ko sinasadya! Sorry! Andrea! Andrea!! Tulong! please!!

Andrea: Tama na president! Hindi niya sinasadya yun! pinapatawad ko na siya! tama na!

Class pres: Ah ganun ba eh kung ganoon sige ba pakakawalan ko si Lovi. Ervic! bitawan niyo na si Lovi.

Andrea: salamat po class president.

Yinakap ko ng mahigpit si Andrea at nag papasalamat sa wakas may magandang nangyari sa akin. Pero....

Class pres: Hindi pa tayo tapos, may kailangan pumalit kay Lovi na pa uupuin dito sa upuan na ito. Since linigtas mo si Lovi ikaw ang uupo. Ervic paupuin si Andrea sa upuan ngayon na!

Andrea: Teka saglit! hindi ko to gusto! ano ba ang meron sa inyo! Lovi tulungan mo ako! dali! gaya ng ginawa ko! tumakas tayo!

Ayoko na ayoko na ayoko na! Hindi ako papayag mamatay ayokong mamatay natatakot akong mamatay. Kasalana ni Andrea yan iniligtas niya ako, kung totoo niya akong kaibigan siya ang kailangan umupo. Wala ng nangyari sa aking maganda since nung nawala ang daddy ko tama na! ayoko na!

Lovi: Kung totoo mo akong kaibigan kailangan mong umupo.

Andrea: Pero Lovi ayoko! please dalian mo iligtas mo na ako!

I've got no choice back then kaya lumalapit ako si Andrea tinutulak ko siya sa upuan at pina uupo ko siya. Nag mamatigas siya pero pinipilit ko siya pa upuin ayokong mamatay.

Class: Sit! Sit! Sit! Upo! Upo! Upo! Kill! Kill! Kill!

Uupo ka pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon