Chapter 33: A Peaceful Night

29 5 0
                                        

Kang Dae's POV





Paggising ko'y nakita ko silang lahat na seryosong naguusap sa gilid. Puro pawisan at may mga pasa sa kanilang katawan. Except kay Vladimir at Hyun Woo.



Wait don't tell me?! Hindi man lang pinagpawisan at nagkapasa itong si Hyun Woo??!!



Aba putangina imposible yon!!!



Mabilis akong bumangon pero bigla akong napahinto. Ramdam ko ang sakit sa panga at sa leeg ko matapos kong bumangon. Deputa nagawa akong pabagsakin ng tuta ni Angelo. Kaasar.



Nakita ni Joon na nagising ako kaya lumapit ito sakin. Nakita din nila ako kaya nagsisunod sila kay Joon.




Haba ng tulog ah. Pang aasar ni Joon.




Haba ng tulog?? Tanong ko.




Oo haba ng tulog, anim na oras ka nang natutulog dyan matapos kang pabagsakin ni Hyun Woo. Sagot ni Angelo.



To think na nagawa ka niyang patulugin. Sakit sa ego nun. Hahahaha. Pang aasar ni Shim.



Ikaw pa naman iniidolo ko. Tapos matapos mo siya bugbugin ikaw pa tong na K.O.? Anak ng tokwa naman. Dismayadong sabi ni Benedict.



Sabi na, aasarin ako ng mga mokong na to eh. Tch.



Huwag kang magalala, hindi lang naman ikaw yung na knock out eh. Nahihiyang sabi ni Hyun Woo.



Lakas ng apog mong hayop ka! Sigaw ko.




Susugurin ko na sana siya nang harangin ako ni Shim. K.O. din siya. Hahaha. Sabi niya.



Sino nakapag patumba sa kanya? Tanong ko.



Ako. Sabi ni Vladimir. Actually kagigising lang din niyan ni Hyun Woo. Dugtong niya.



So that explains why wala siyang pawis at pasa. Na K.O. din pala.
Mabuti nga sayo psh.



Tara na. Kailangan na nating umuwi. Sabi ni Vladimir. Nakapagluto na din sila kaya kakain nalang tayo paguwi. Dugtong niya.



Bumagon na ko at sabay sabay na kaming umalis ng Facility. Napaka malas ng araw na ito.



It would be one of my worst memory of all time. Haysssss.






































A hour later.

















Dae Shim's POV





Katatapos lang namin magsikain nang  nag aya si Yoo Joon na mag inuman ngayong gabi.




Hindi sumama sina Vladimir, Illa at Chun Hwa samin dahil may importante daw silang aasikasuhin.




Nandito kami ngayon sa rooftop ng Headquarters. Nag set-up kami ng isang malaking tent para maging handa kung sakaling umulan since napaka maulap ngayong gabi, pero hindi natatakpan ng ulap ang magandang liwanag ng buwan.




Dumating si Joon, Hyun Woo at Benedict na may dalang mga alak, Si Angelo nagluluto ng Kalderetang Kambing bilang pulutan. Sina Kiriko at Reina naman nagluluto ng Tempura. Habang sina Mikaela at Bo Ra ay nagiihaw ng liempo at manok. Si Kang Dae at ako naman ay tahimik na pinagmamasdan sila habang inihahanda ang sapin, unan at mga kubyertos na gagamitin namin.




Chimera: The Beginning (COMPLETE/EDITING IN PROGRESS)Место, где живут истории. Откройте их для себя