2 Days later
Third Person's POV
Makalipas ang dalawang araw ay nagsimula na ang matinding ensayo ng Alyansa.
Tinungo nila ang isang Training Facility di kalayuan sa kanilang Alliance Headquarters. Sa isip ni Illa, hindi kakayanin ng grupo ni Benedict at Angelo na makipag bakbakan ng harapan sa Yggdrasill. Kaya naisip niyang sanayin ang mga ito alinsunod sa kanilang napag usapang plano.
Girls, sumunod kayo sakin. Sabi ni Illa. Boys, sumunod kayo kay Vlad. Utos niya sa mga lalaki.
Naghiwalay ng landas ang dalawang grupo. Tinungo nila Illa ang Melee Combat Facility habang tinungo nila Vladimir ang Ranged Combat Facility.
Pumasok ang dalawang grupo sa facility na tinungo nila.
Makalipas ang tatlong oras.......
Illa's POV
Bumangon ka dyan Mikaela. Sabi ko sa kanya matapos niyang bumagsak sa sahig.
Nasa loob kami ng isang Cage. Naglalaban kami ngayon ni Mikaela gamit ang kendo sticks. Mas mainam na sanayin nila ang pag gamit ng katanas bilang kanilang secondary weapons bukod sa mga baril.
Kelangan nilang maging bihasa sa paggamit nito. Lalo na nina Reina at Kiriko.
Mayroon silang potential. They just need to unlock it.
Bumangon si Mikaela mula sa pagkakabagsak niya. Tumingin ito ng seryoso sakin. Saka inayos niya ang posture niya at ang pagkakahawak niya sa kendo stick.
Pero hindi ko maiwasang tignan ang mga nag aalab niyang mata. Sa di malamang dahilan nakaramdam ako ng panandaliang takot habang nakatingin sa mga mata niya.
Pamilyar ang mga matag iyon.
Para bang nakita ko na ang mga matang iyan noon.
Nakakuha siya ng timing para atakihin ako. Nagawa niya kong matamaan ng Kendo stick.
I admit, she's fast. She could also use all opportunities whenever she had a chance.
One of the best traits of a swordsman.
Sinubukan niya akong atakihin ngunit kaagad ko siyang napatid patalikod. But damn, her reflexes are good. Nagawa niyang mag backflip matapos ko siyang patirin.
She's getting the hang of it.
Umatras ako ng bahagya saka mabilis na umatake. Pero nagawa niyang umiwas at hampasin ako ulit ng Kendo stick.
She's good. Way better than me when i first started.
Sinubukan niyang mag spin swing pero kaagad ko itong nasalag. Pinatid ko ulit siya na ikinatumba niya, at agad na tinutok ang Kendo stick sa leeg niya.
The girls we're in awe after watching her.
Good job Mikaela. Sabi ko. Iniabot ko ang kamay ko saka tinulungan siyang makatayo.
Salamat po Ate Illa. Sabi niya habang nakangiti.
Sabay kami na lumabas ng Cage. At kaagad naman kaming nilapitan ng mga babae.
CITEȘTI
Chimera: The Beginning (COMPLETE/EDITING IN PROGRESS)
AcţiuneA Story of Three Brothers who will fight against each other for the sake of becoming the Supreme One among the three of them.
