Chapter 16

533K 10K 1.6K

Angel POV

Hindi ko napigilan ang kusang pagtulo ng luha ko dahil sa narinig ko--sa sinabi ni Oliver. Hindi ko ito expected. Hindi ko akalaing masasabi nya sa harap ng girlfriend nya na asawa niya ako at mahal nya ako. Lalo't aware ako na galit nalang ang nararamdaman nya para sa'ken. Nananaginip ba ako? O totoo talagang nangyayari 'to?

"You're unbelievable! Asawa? No. You can't fool me, Oliver."

"I don't fucking care kung hindi ka maniwala sa sinabi ko. Now, get out of my office bago kita kaladkarin palabas." Seryosong sabi ni Oliver. 

Nakatulala pa din ako na nakikinig sa kanila. Hindi pa rin ako lumilingon sa likod ko kung nasaan si Oliver. 

Nasa mukha nung babaeng bitch ang pagkabigla. Hindi siguro nya akalain na ganon ang trato ngayon ni Oliver sa kanya. Kahit ako ay hindi makapaniwala. 

"Oliver, honey.."

"Get out."

Patuloy akong nakinig sa kanila. Parang napako ang mga paa ko sa sahig. Di man lang ako makagalaw. Sari-saring emosyon na ang nararamdaman ko. Buntis talaga ako. Masyadong sensitive ang feelings ko. 

"I can't believe this. Mag-uusap pa tayo, Oliver. Mag-uusap pa tayo." Galit na galit na sabi nung girlfriend nya saka ako nilampasan. Bahagya pa nyang tinabig ang balikat ko. Malditang 'to! Hanggang sa malapasan nya ako. 

Nanatili ako sa tayo ko. Nakikiramdamn. Hanggang marinig ko ang pagsara ng pinto. So it means, umalis na ang bitch. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Masaya ako na kinakabahan. Dahil sa narinig ko kay Oliver mas lalo akong na-excite na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sana ay matuwa sya sa ibabalita ko. Nasa bulsa ko ngayon ang pregnancy test na ginamit ko kanina para maipakita 'to sa kanya. 

"Are you okay?" Tanong ni Oliver na nagpagising sa'ken sa kasalukuyan. Kaharap ko na pala siya. Di ko man lang namalayan. 

Mababakas sa mukha nya ang pag-aalala. "O-oliver.."

Isang halik ang sumalubong sa'ken. She kissed my lips softly. Ramdam ko ang pagmamahal nya sa bawat paggalaw ng labi nya. Walang duda. Mahal talaga ako ni Oliver. Tumugon ako sa halik niya. I heard him groan as he grabs my nape para mas mapadiin pa ang labi ko sa labi nya. 

Naikawit ko ang mga braso ko sa leeg nya. Nanatili kaming nakatayo. Naghahalikan na animo'y wala ng bukas. Pinalalim nya ang halik. Wala naman akong magawa kundi tumugon lang dahil aminin ko man o hindi, gusto ko ang pakiramdam na hinahalikan nya. 

He's not just good in bed, he's a good kisser too. Damn! Sinong babae ang aayaw sa isang Oliver Ynarez? He's yummy. Tested ko na 'yun. Para tuloy akong natawa sa naisip ko. Iba talaga ang nadadala ng saya na nararamdaman ko ngayon. 

Ako plus si Oliver plus baby namin sa tummy ko equals happiness. Bonus pa na pinamukha nya sa grilfriend nya na mahal nya ako. 

He stopped kissing me. Kapwa kami hingal. Nakadikit ang noo nya sa noo ko. He's breathing so fast. Hinihintay nya sigurong bumalik sa normal ang paghinga nya. Then he looked at my eyes. 

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon