Chapter 3 Get to know her/Ending

448 33 42
                                        

Josh pov

Nang makuha ko ang phone ko ay agad na bumalik ako sa kwarto, wala ng oras, mag uumpisa na ang game 1 hour and 20 minutes nalang.

I installed the program to my phone at nag hintay ng halos 15 minutes at nakitang parang mapa yun. Napa kurap ako ng may kulay pulang nag bliblink, nandito ba siya?

Teka! Tracking app ba toh? What the pano niya to ginawa? Sino siya? Napa tayo ako at kinuha ang jacket at susi ng motor ko. Just wait! I will win this game, I want to know you more!

Agad kong pinaharurot ang motor ko papuntang pulis station, at nag request ng back up, I also said the location to them, and after that, agad ko ng tinahak ang daan kung nasan siya.

Napatingin ako sa side mirror ng motor ko nang mapansin ang isang itim na sasakyan, hindi ko sana papansinin at babaliwalain nalang dapat kaso kung saan ako lumiliko ay doon rin ang punta nun, sinusundan ba ako nito?

agad kong hininto ang motor ko sa eksaktong harap ng kotse dahilan para mapatigil ito. Lumabas ang isang lalaking may ngisi sa labi.

"Sabi na't magagamit kita eh, tama ang hula ko, alam mo kung nasan siya, hindi nasayang ang oras kong maghintay sa labas ng bahay na yun," naka ngisi niyang sabi kaya bahagya akong napa atras. Kasali siya sa game, so kanina pa pala siya naka sunod sakin?

"Who are you?" tanong ko sakaniya.

"Her future man!" nang marinig yun ay naka ramdam ako ng inis, cringe ni kuya. Pero ewan ko ba pero nang maisip na may ibang makakahanap sakaniya ay parang napaka laki ng epekto sa'kin.

"Then follow me if you want!" naka ngisi kong sabi sakaniya, nakita ko ang gulat sa itsura niya ng pumayag akong sundan niya ako.

Agad kong ipinaandar ang motor ko habang papasok palang siya sa kotse niya, napangisi akong muli dahil doon, pa kotse kotse pa kasi.

Pinaharurut ko ang sasakyan at mas pumasok sa makikitid na daan, iniba ko rin ang ruta at kung saan saan na ako dumaan ng mapansing wala ng nakasunod sakin ay hind ko maiwasang mapangisi.

Weak!!

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ng makitang malapit na ako.

Napatingin ako sa isang puno, nagtaka ako ng sa punong iyon ang exact na location ng pulang kung ano sa tracking app sa phone ko.

Lumapit ako sa puno at napansin ang isang pintuan sa lupa.

Underground... Walang pag dadalawang isip na binuksan ko iyon at dumeretso pababa naliwanag ang daan, derederetso lang ang daan hanggang sa makita ko ang isang pintuan.

Binuksan ko iyon at nakita ang isang babaeng naka upo kasama ng isang lalaking matanda at babaeng nasa edad 30 palang.

Napalingon sakin yung babae... Nang makita niya ako ay agad siyang napatayo. Pero napatigil siya dahil sa kadenang naka kabit sa paa niya, what the heck! Anong ginawa nila?

"Tandaan mo, hindi siya ang nauna dito."

Napa lingon ako sa matandang hukluban niyang step dad ng marinig iyon... Anong ibig niyang sabihing hindi nauna?

"Ang sama mo! Ang sama mo!" sigaw nung babae kaya napa atras ako ng bigla akong tinutukan ng baril nung hukluban.

What the heck!!

"Wag! Wag mong gawin yan please wag! Josh! Umalis ka nalang sorry sorry! hindi ko alam na ganito! Wala akong alam na ganito sa dulo!!" sigaw nung babae pero parang hindi ko alam kung anong gagawin.

Game of Ms. No Name (Done✓)Where stories live. Discover now