Chapter 2 Her game

336 30 30
                                        

Josh Pov

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila Justin ay sumalubong saakin si Stell na nag luluto nanaman.

"Stell!!"

Napalingon siya saakin nang tawagin ko siya.

"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sa kung anong pinapakuluan niya at hindi saakin! Tsk! Binaliwala ko nalang at sumandal sa sink.

"Paano pag may babaeng bigla nalang sinabing mahal ka, kahit na hindi mo naman siya ganoon kakilala o nakaka usap man lang, tapos agad na sinabing mahal ka niya, tapos maraming alam tungkol sayo,"  I asked.

Nakita ko siyang ngumisi kaya tumabi ako sakaniya.

"Ang creepy nun Josh! Stalker ata yun pag ganon," sabi niya kaya natigilan ako at napaisip.

"Hindi eh! Alam mo yung sincerity nang sinabi niyang mahal niya ako, yung pag tingin niya ng deretso sa mga mata ko habang sinasabi yun, iba yung epekto saakin eh," sabi ko at tinulak tulak si Stell ng bahagya dahil kinikilig ako.

"Pag ako nabuhusan ng mainit na sabaw tignan mo!... Saka Josh! Ikaw na makakapag sabi kung totoo ba talaga yun," sabi niya kaya napatango ako.

"Anong oras na?" tanong ko ng mapansin ang relo niya.

"6pm."

Napatuwid ako ng tayo at agad na umakyat papuntang kwarto ko dito. Ni lock ko ang pinto at agad na humarap sa pc ko. I still have 6hours to finish it before the game start. Inilabas ko ang flashdrive at ni connect ko na sa pc.

Nagtaka ako ng kulay puti lang ang lumabas. Hanggang sa may lumabas na enter your name. I type my full name at agad na lumabas ang tila slum book na sasagutan.

Bakit parang... Wait! Tungkol sakin nga to!

Matapos kong ma fill up lahat ay may nabasa pa akong "Confirm! you're really Josh" kaya napa ngiti ako... Astig!

Naging kulay pula naman ngayon ang screen kaya agad akong napakurap.

"First game... Open your pc camera... Stand in front of it, a music will play and you have to dance according to it." pag basa ko kaya napasandal ako sa upuan ko.

"What the! Hindi ata to laro eh!  sigaw ko.

Napa iling ako at ginawa nga ang nakasulat... I opened the cam at tumayo sa harap nito, napangiti ako nang biglang nag flash sa screen ang isang parang body scanner.

"Ang galing niya." naibulong ko nalang dahil parang pang future na yung programing na de detect nga ang galaw ko, alam niyang sumasayaw ako, napangisi ako ng wala sa oras nang maalala yung babae.

Iniatras ko ang upuan para makasayaw ng maayos.

"What the heck Josh! Sino yang sinasayawan mo?"

Agad akong napalingon sa pintuan ko at nakita ko si Ken na nakasilip, ang creepy! Hutek!

"Bakit ka nandito? Hindi ka man lang kumatok? Hoy bakit ka nag vivideo?" sigaw ko nang makitang naka tutuk sakin ang camera ng phone niya.

"Bwhahahah, ha.ha.ha.ha.ha.ha! Josh Cullen Santos isa ng live boy!!" sigaw niya kaya hinubad ko ang suot kong tsenelas at ibinato yun sa dereksiyon niya.

"Labas!" sigaw ko at tumatawa lang siyang umalis.Napabuntong hininga ako at agad na napaupo, lintik! Baka kung anong sabihin nun kila Stell!

Napailing nalang ako at agad na ipinag patuloy ang pag sasayaw! Ok para nga kong tanga! Agad namang nag bago ang tugtug at napalitan. Napangisi ako, ok let's get it!

Game of Ms. No Name (Done✓)Where stories live. Discover now