Chapter 1 Help

683 42 38
                                        

Warning! Written way back in 2020! Grammatical mistakes and typos are visible. I'm a minor in that year and doesn't care about it, and regret about it now.

This story is for entertainment purposes only and just base on my imagination, own description of game* may contain grammatical error's and typo's, the character reference is SB19 Josh Cullen Santos so this story is dedicated to all A'TIN

_________

This is Sb19 Josh Cullen Santos fanfiction/ a short story.
Best Selected short story 2020 in
Awarding for SB19 Wattpad Writers

Thank you sa mga sumuporta! 💙

________

JOSH POV

Nagmamadali akong lumabas ng bahay nila Justin ng may palusot na mag cocomputer sa malapit na com shop, syempre agad silang naniwala sakin, kuya nila ako eh! Mweheheheh

Saglit akong natigilan nang mapansin ang isang tao sa poste na nadaanan ko. Umatras ako para mapantayan ko uli yung poste at nakita ko ang isang babaeng, mukhang may tinataguan? para siyang ewan.

"Miss! Wala namang ibang tao! Sinong tinataguan mo?!" sigaw ko dahilan para mapa lingon siya sakin.

"Woahh! Ikaw iyong nag wala sa com shop kahapon! iyung kinaladkad na ng gwardya palabas!" sigaw ko nang mamukhaan siya.

"Wow! Kailangan pa bang sabihin? Yun talaga eh noh? Hoy Josh! Sa liit mong yan ang ingay mo ah!"

Teka! Anong sabi niya? Ako maliit? aba tama siya!

"Mas matangkad pa rin naman ako sayo! Paano mo nalaman pangalan ko?" tanong ko at lumapit sakaniya.

Nang hindi siya sumagot ay mas lumapit pa ako at mas tinitigan siya, at napangisi ako namg umiwas siya ng tingin at humakbang para makalayo sakin. Talk about how charismatic I am! ^___~

"Ba-bastos to!"

Agad akong napalingon sakaniya nang marinig yun aba sinong bastos? Hmmm she got it wrong I'm just making fun of her cause she's cute.

"Sorry if you thi-

"AYUN YUNG BABAE!!! HABULIN NIYO DALI!!!!"

"Ohhh lagot! Josh takbo!"

Nagulat nalang ako nang bigla nalang niyang hinigit ang laylayan ng damit ko kaya wala akong nagawa kundi ang mapasunod at mapatakbo rin.

Napatingin ako sa mga humahabol samin.

"H-hoy babae! Bakit may mga... Mga the butcher dito? Kamukha nila yung sa dota! Hutek! Ang tataba nila!! Hahahha!"

Game of Ms. No Name (Done✓)Where stories live. Discover now