12 : "care (2.0)"

19 3 2
                                    

+Lee Jiyeon's

"Hoy, hoy anong gagawin mo?" Napaartras naman ako dahil unti-unti syang lumalapit sa akin.

"Tsk." Napaatras ulit ako pero nabigla nalang ako dahil inabot nya yung wrist ko at hinigit nya ako papalapit sa kanya. Takte ILLEGALLLLLLLLLLLLLLLL!!!!!!!!!!!!

"Wag ka ngang magalaw ichecheck ko lang kung may lagnat ka." Sabi naman nya at dinampi sa noo ko yung kamay nya.

Ang lambot ng kamay nya mapapasana-ol kanalang dahil yung kamay ko magkakakalyo na ata samantalang yung sa kanya malambot.

Unfair naman natin oh.

"Hoy! Chansing kana ah!" Saway ko at umatras. Pero hawak padin nya yung kamay ko.

Sorry ChaCha di ako nagtaksil sayo ah! Di ako nangabit! Huhuhuhuhu

Inabot nya yung gamot na nasa dining table "Ito inumin mo para bumaba yung lagnat mo."

Tinanggap ko naman "Ano di mo iinumin?" Dagdag nya.

Nabigla naman sya dahil tinignan ko sya ng masama. "Pano ko iinumin to ah kung hinahawakan mo kamay ko, ha?" Binitawan nya kaagad, tumikhim at niluwagan yung necktie ng uniform nya.

.

Kinabukasan ay umayos na yung pakiramdam ko at pumasok nadin ako sa School. Bad trip nga lang dahil pinipeste ako nitong katabi ko. Sarap tusukin nung mata nya eh at giliitan ng lalamunan.

Lumipas ang ilang araw ay ganun pa din ang takbo ng buhay ko sa paaralan hindi padin lumilipas yung pang-iinis sa akin nitong katabi ko.

Dumungaw sa pinto yung P.E teacher namin na si Ms. Jo. "Ok class, pagkatapos nyong mag-bihis ng P.E uniform nyo ay dumiretso kayo kaagad sa School Gym." At umalis na din sya kalaunan.

Umalis naman yung Boys para makapagbihis na kaming mga Girls. Nagsimula nadin akong gumayak, narinig ko yung nasa tabi ko na mga kababaihan na nag-chichismisan.

"Narinig ko kasama daw natin yung Newton Class sa P.E natin." Rinig kong sabi ni Yoo Jia.

"Yung section nina Junho? Oh my! This is it girls, napakacharming nya noong nag perfom sya noong Sem Break." nagpantig naman yung tenga ko pagkarinig ko nun.

Shit, akin lang si ChaCha huhuhuhuhuhu.

"Oras ko na para mapasa-akin si Junho." Dagdag naman ni Kim Yena na may kinang sa mata.

Ewww ambisyosa masyado ):

Kinuha ko nalang yung bag ko saka umalis, sakit nila sa ears ah. Dumiretso naman ako sa C.R para mag-ayos. Inilabas ko naman sa bag ko yung Mini make-up kit ko. Hehehehehe

Ewan ko kung make-up kit ba tawag nito eh lip balm, pulbo, pantali ng buhok at suklay lang naman yung laman nito. Kahit dugyutin ako ting-nan marunong panaman akong mag-ayos ng sarili ko no.

.

Pagkarating ko sa Gym ay nandon na lahat ng kaklase ko at yung Class ng Newton. Napa-upo naman ako sa tabi ni Minseo.

Halos magka-stiff neck naman ako kakalingon para hanapin kung saan si Junho pero di ko sya mahanap. Saan kaya sya ): excited pa naman ako sa P.E class nato. Napasimangot nalang ako at naramdaman kong kinalabit ako ni Minseo. "May hinahanap ka?"

"Ahhh w-wala naman." sagot ko sa tanong nya habang itinuon nalang sa Court yung tingin. "Ano bang gagawin natin dito?" Pang-iiba ko ng usapan.

"Ewan ko di pa dumating si Ms. Joo eh, nakakatamad pa namang pumasok pag P.E class." Napakamot naman sya sa batok nya. Haayys ang saya kaya ng P.E ):

Like | Kang MinheeWhere stories live. Discover now