KABANATA 8

35.9K 991 78
                                    

"Saan ka na naman ba nanggaling?!" 'Yun ang nadatnan kong panenermon ng Mama ni Nathaniel. Naro'n sila sa kanilang napakagrandiyosong salas, "Wala kang ipinag-iba sa 'yong ama, parati ka na lang wala! Mahigit isang taon kang nawala, hindi ka man lamang tumatawag! Tapos uuwi ka rito, para ano? Magpapalipas lang ng gabi para umalis muli? Kailan ba maghihimalang, dumito ka na muna kahit mga ilang araw?! Nakakalimutan mo na bang mayroon ka pang inang nahihintay at nag-aalala sa iyo? Mabuti pa siguro, mag-asawa ka na para maumpisahan mo nang pamahalaan itong Hacienda blah...blah...blah..."Nagsasalita pa ang kanyang Mama, nang sinulyapan ako ni Nathaniel.

Dahan-dahan akong bumababa sa hagdanan, napahinto tuloy sa pagsasalita ang kanyang Mama; napalingon ito sa aking direksyon. Napayuko ako sa hiya nang hindi oras. Lalo na nang naroon na ako sa pinakahuling baitang.

"S-sino siya?" Pabulong na tanong ng Mama niya, kay Nathaniel.

"Sino sa tingin niyo?" Nakangisi ito sa kanyang ina.

Sinulyapan ako ng kanyang ina; ngumiti. "Nobya mo?"

Natatawang sinulyapan ako ni Nathaniel, at saka buong kapreskuhang iniunat ang kanyang magkabilang braso sa sandalan ng sofang kanyang kinauupuan.

"Hija..." Pagbaling sa akin ng kanyang ina, "Nobya ka ba ng Ana--"

"Hindi ko s'ya Nobya." Nakangising pagsingit ni Nathaniel.

"Kung gayun, ano? Kaibigan?"

"Hindi rin."

"Asawa?"

Tumawa ito na tila nakakaloko.

"In her dreams."

Ang yabang. Hindi ko na tuloy napigilang simangutan ito at irapan.

"Eh ano mo ba talaga siya? Kung hindi mo siya nobya, eh ano? Kaibigan? Asawa?"

"Napulot ko lang diyan sa tabi-tabi." Sagot nito. "Homeless."

Totoo namang homeless ako at napulot lang niya sa tabi-tabi. Pero ewan ko ba kung anong meron sa paraan ng pagkakasabi n'ya na ikinainis ko.

Ah! Marahil, 'yung paraan ng pagngisi n'ya,  'yung talim ng kanyang mga tingin sa akin na tila nangmamata; matatalas na mga sulyap na animo'y tahimik na nangungutya. At mga matang tumitingin sa akin na tila ipinararating n'yang mas mababa pa ako sa lupa.

Gustuhin ko mang makipagmataasan, upang maiangat ko man lang ang dignidad ko kahit kaunti, nanahimik na lang ako; nanatiling nakayuko. Kung totoong sinusundan nga n'ya ako. Pihado, alam din n'ya ang lahat ng nakahihiyang aktibidades ko; mga nakahihiyang gawi na mas masahol pa sa isang babaeng bayaran.

"Pinagloloko mo ba 'ko?!" Singhal ng kanyang Mama kay Nathaniel, "Tingnan mo nga ang hitsura ng batang 'to. Napakaganda ng balat. Paano mo ako mapaniniwalang homeless 'to?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Tumawa nang malakas si Nathaniel, bago nito ako unti-unting tinitigang muli nang masama.

Sa unang pagkikita pa lang namin sa simbahan, ibang klase na talaga ito makatingin. Alam n'yo 'yung mga tinging... mapagmataas? 'Yung mga tinging nang-aapak? 'Yung mga tingin na tila galit na galit s'ya sa akin.

"Totoo po." Sumingit na ako. Pinilit ko na lang na maging mas mapagkumbaba sa abot ng aking makakaya. "Tinulungan lang po talaga ako ng inyong anak. Pinalayas po kasi ako ng aking..." Gamuntik ko nang sabihing 'ina', "Tiyahin."

"Tiyahin?" Reaksiyon ng mama ni Nathaniel. Natanaw kong unti-unti na ring kumukupas ang pagngisi ni Nathaniel, "Bakit? Nasaan na ang mga magulang mo?"

"Hindi ko po alam. Hindi ko na po sila nakilala. Pasensya na po kayo kung naririto po ako. Nagamit ko pa po 'tong damit n'yo." Iniladlad ko nang bahagya ang palda ng suot kong bestida. "Hindi ko naman po kasi alam na dito ako dadalahin ng anak n'yo. Aalis naman po ako agad. Kailangan ko lang pong makitawag para masundo ako ng kaibigan ko."

Tuluyan nang sumimangot si Nathaniel.

"Kailangan mo ba ng telepono?" Tanong ng kanyang Mama.

"Opo sana." Sagot ko, "Kung ayos lang po sa inyo."

"Oo naman." Sagot niya, "Pero hindi naman kita pinapaalis ah."

Hindi ako sumagot; naghihintay ako na ituro nito sa akin, kung saan ko matatagpuan ang telepono.

"Kung balak mong mang-abala sa mga kaibigan mo." Pagpaparinig ni Nathaniel, bagama't hindi naman ito nakatingin sa akin, "Kalimutan mo na, ako na lang mismo ang maghahatid sa 'yo kung saan mo gustong pumunta."

"Aalis ka na naman?" Tanong ng Mama n'ya sa kanya.

"'Yang babaeng 'yan ang kausapin n'yo!" Nakaiwas pa rin ito ng tingin. Nakasandal ito nang patihaya sa sofa; nakatingala at nakatitig sa kesame. "Plano ko talagang tumigil muna rito ng ilang linggo. Pero kung magpapahatid 'yan, sa kung sino mang kaibigan n'yan na hindi naman siguradong kukupkupin s'ya. Wala akong magagawa kundi umalis muli para maihatid 'yan."

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon