“Everybody sing!”
“Happy Birthday, Hilary! Happy Birthday, Hilary! Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Hilary!” Sabay sabay naming kanta habang tinataas ang kanya kanyang beer. It's exactly 12 am at sabay sabay naming sinalubong ang birthday ni Hilary. Panay swimming lang kami habang naghihintay kanina pero ngayon nakaahon na kami.
“Dude, salamat sa inyong lahat pero tigilan niyo ako. Hindi ako sanay. Cheers!” Tumatawang sagot nito saka tinaas ang hawak niyang bote. Sabay sabay naman naming tinaas ang hawak na beer at naki-cheers na din sa kanya.
“Dude this is literally the one of the best birthday ever. Thank you very much.” Mangiyak ngiyak na sabi niya saka uminom ulit ng alak. Penny and the other girl I'm not familiar with patted Hilary's back habang tumatawa. I never expect Hilary to be this dramatic. Pero ang cute naman tingnan.
“No stop it, I'm fine. I'm okay. Cheers!”
After how many rounds of alcohol ay nagkanya kanya na silang gawain. People started crowding the pool. May ibang nag-bikina kahit na hating gabi na. Yung mga kaibigan naman ni Kean ay naka-topless kaya halos ngumanga ang mga babae pati si Timothee.
May iilan namang nagkikwentuhan lang habang nakalubog sa pool ang paa. May iilan ring bumalik sa loob para kumain.
Pero kami ng tatlong bakla ay nakaupo lang sa isang bench katabi ng cooler na puno ng beer. May towel na nakasabit sa balikat namin habang sumisipsip ng beer. Pinagmamasdan silang magsaya. Pinagmamasdan silang lunurin si Hilary dahil birthday naman daw nito.
“Ayaw niyong mag-swimming?” Sumisipsip sa alcohol na tanong ko, nakatitig padin sa harapan. I saw Maxy shrugged bago uminom din sa beer niya.
“Ayoko, nilalamig pa ako. Ikaw?” Sabay siko naman nito kay Timothee na nakatingin lang din sa kanila na nagkakasiyahan.
“Mamaya na ako kapag wala nang mga higad na umaaligid sa mga fafa.”
Sabay sabay kaming bumuntong hininga bago uminom sa beer. It's unusual for us to stay here dahil usually kami ang nangunguna sa mga ganitong event pero keri lang. Hindi din naman kasi namin ka-close masyado si Hilary kaya ayaw naming umepal.
“Uy Maxybaby! Bat andito kayo? Tara sa pool.” Pagyayaya ni Hilary na nakaahon na pala. Napalingon ako sa kanila at hinintay na simagot sila pero wala. Para lang kaming timang na nagtinginan sa isa't isa.
“Ikaw Gabi? Hindi mo ba pupuntahan si Briel? Nauunahan kana ni Trevor dude.” Sabay tapik nito sa noo ko. Totoo nga. Magkatabi kasi si Trevor at Briel habang nakalubog sa pool ang mga paa nila. Masaya silang nagkikwentuhan. Ang sarap niya ilunod pero ano namang magagawa ko?
“What's the point? 'Di din naman ako ang gusto niyang kasama.” Tinungga ko ulit ang bote at napairap. Ayokong malasing. Naaalala ko kasi ang gabing kinalimutan ni Briel. Naiinis padin ako.
“Jusko ang drama mo!” Umiiling iling na sabi nito saka uminom ulit sa bote saka lumapit sa pool. “Okay guys! Hear me out!” Sigae nito, napatigil naman ang lahat at napalingon sa kanya. What the hell is she doing?
“Who wants to play some game? Ang interesado, lumapit sa akin. Ang ayaw, ede bahala kayo!” Anunsyo nito. Nagsitayuan naman ang iba at lumaput kay Hilary pero ang iilan ay nanatili lang sa pool. Hilary then signaled us to join her.
Naupo kaming lahat sa isang gilid ng pool. Nakapalibot kaming lahat at may mga sampung bote ng alak ang nasa gitna namin. Ano naman kayang plano Hilary? She brought us small glass cups na pang-shot bago naupo sa tabi ko.
“Okay our game for tonight, is never have I ever!” Humahagikhik nitong sabi kaya naghiyawan ang ibang mga babae at lalaki. “Fill your glass with shots and we'll start.” Anunsyo niya pa at naglagay ng alak sa baso niya.

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.