One Last Angry Look

111K 2.7K 2K

One Last Angry Look

(Epilogue)

 

**

Nagsimula ang kuwentong ito sa simpleng premise ng istorya ni Barbs.

Bata pa lang siya nung nakasanayan niyang magbasa ng mga libro para makalimot o maghanap ng sagot sa mga problema. Pagtanda niya ay tumaas ito ng level; dito niya hinanap ang mga bagay na wala sa mga kuwento niya. Parang si Lucas sa Para Kay B.

"Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa literature, kung saan love is great," sabi nya minsan nang nagsusulat sya. "Mga salita lang naman ang makakasakit sa'yo. Pag sobra na, pwede mong isara ang libro o burahin ang ebook para wala nang sakit. Di gaya sa totoong buhay na kung saan hardcore sa sakit ng pag-ibig. Hindi nabubura."

Maton, tomboy. Yan ang panlabas nyang anyo. Sa loob nito ay may isang babae na nangangarap na balang araw, may love story din sya na kagaya sa mga libro. May lalaking magkakagusto at tatanggap sa kung ano sya. May ilang nakakaiyak, nakakainis na scenes pero.. mas lamang ang kilig. Babae eh, sino bang tatanggi sa kilig?

Hinihiling niya yan kaso may nakalimutan siyang i-specify: Kelan siya handa?

Of course, some will argue that love will hit you from nowhere. Pero ano bang alam niya? May classes ba na nag-ooffer ng gantong curriculum? Seminars? O kahit libro? Eksperto? Huling tawad: may warning sign ba?

Sabi ni Lean may ilang pagkakataon kung kelan umaatake ang pag-ibig.

Ang nararanasan ni Barbs ngayon ay ang pinakamasakit na type: ang tipong magmamahal ka sa panahong hindi mo alam ang konsepto ng pag-ibig.

First timer eh, ano bang alam miya?

She resorted to her books, her advisers. Ni hindi niya sinabi ito sa mga kaibigan niya. Kailanman ay ayaw niyang dumagdag sa isipin ng mga ito. Ayaw nyang maging pahirap.

*

After ng Graduation Ball ay ikinulong nya ang sarili sa kwarto. Humarap sa kanyang bookshelf na punung-puno ng mga librong kinolekta nya simula dati pa. Isa-isa nyang kinuha ang mga librong sa tingin nya ay makakatulong sa kanya. Binuksan ang laptop para mag-scan ng ebooks at kung anu-anong kwento para masagot ang mga tanong nya.

Sabado ng gabi hanggang Lunes ng madaling-araw sya nagbasa. Naghighlight. Naluha.

Ito ang ilan sa mga advice na nakuha niya:

"When you love someone, you don't have a choice." - City of Ashes by Cassandra Clare

"If you limit your choice only to what seems possible or reasonable, you disconnect yourself from what you truly want, and all that is left is a compromise." (The Path of Least Resistance by Robert Fritz)

"You couldn't just pick and choose at will when someone depended on you, or loved you. It wasn't like a light switch, easy to turn on or off. If you were in, you were in. Out, you were out." (Along For The Ride by Sarah Dessen)

"You know someone's right for tou when the things they don't have to say are even more important than the things they do." (Sing You Home by Jodi Picoult)

Pero.. isang kuwenro ang nahanap niya na nahanapan nya ng sagot. Ayaw niya sa librong ito dati pero nagyon iniiyakan na niya ito. Brida by Paulo Coelho.

If I FallRead this story for FREE!